"Pagod na Pagod na Ako"

227 2 0
                                    

Mahal, may sasabihin lang ako

Nakakapagod din pala no?

Nakakapagod din palang magpakatanga sayo

Sayo na hindi naman pansin si ako


Pero kahit na nakakapagod ay tiniis ko

Para lamang ako'y mapansin mo

Ngunit wala pa ring kwenta ang ginawa ko

Dahil pilit mo akong pinagtutulakan palayo sayo


At dahil nga sa ganon ang ginawa mo

Ay nasagad ang pagkapagod ko

Kaya ngayo'y pagod na pagod na ako

Pagod na pagod na akong magpakatanga sayo


Mahal, ito na ang huling sasabihin ko

Titigil na ako at hindi na hahabol sayo

Dahil pagod na pagod na talaga ako

Salamat nalang dahil nakilala ko ang katulad mo

Katulad mo na minahal ko ng ganito

TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon