"Sinayang Mo Lang Ako"

603 5 0
                                    

Itong tula na po ito ay para po sa mga taong umibig pero hindi inibig pabalik. Para sa mga taong sinayang ng mga taong kanilang lubos na minahal. Ito na po.
•---------•----------•----------•----------•---------•---------•

Hi mahal! Tanda mo pa ba ako?
Yung taong sinayang mo?
Ang laki na ng pinagbago ko no?
Ikaw naman kasi eh, kung ano-ano ang napasok sa isip mo at sinayang mo ako.
Hahaha! Hindi ko lang talaga mapigilang matawa
Sa bawat oras na ika'y aking nakikita.
Nakikita na masaya sa piling ng iba.

Sayang lang at sinayang mo ako.
Kasi ito ako ngayon
Hinihintay ang tamang panahon
Kaya nga bilib ako sayo eh
Kasi sa dinami dami ng taong nagpasakit sa damdamin at nagpaluha sa mga mata ko
Eh ikaw pa talaga ang pinakaunang tumatak sa isipan ko.
Hindi pa nga ako lubusang nakakapagmove-on sa mga sandaling ito
Kasi sa bawat araw na naiisip ka, bumabalik lang ang lahat ng sakit na naramdaman ko

Pero mahal! Di na ako magpapaligoy-ligoy pa
Nagpapasalamat ako sayo dahil kung hindi mo ako sinayang, eh wala ako ngayon dito at nagsasalita sa harapan mo.
Mahal pa rin naman kita mahal eh kaso nga sinayang mo ako!
At dahil sa sinayang mo ako, eh wala na akong nararamdaman kahit katiting na pagmamahal sayo.
Kaya paalam na mahal ko

TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon