"Naaalala Mo Pa Ba?"

195 4 1
                                    

Mahal, naaalala mo pa ba?

Lahat ng ating mga ginawa?

Mahal, naaalala mo pa ba?

Lahat ng ating mga alaala?


Siguro nga'y hindi na

Base sa nakikita kong saya sa iyong mukha

Pero ako pari'y umaasa

Na sana'y maalala mo pa


Oo, mahal! Umaasa pa rin ako

Umaasa pa rin akong baka maalala mo

Umaasa pa rin akong baka mahal mo pa rin ako

Umaasa pa rin akong baka pwede pang mabalik ang dating tayo


Kaso mahal, mukhang di mo na talaga naaalala

Kaya di ko na ipipilit pa

Gusto ko na ring sumuko na

Sumuko ng umasa


Kaya mahal, pangako

Pangako, ako'y di na muling hahabol sayo

Salamat nalang mahal, sa masasayang alaala

At salamat dahil minahal mo ako kahit pansamantala


TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon