"Nasasaktan na Ako"

197 3 0
                                    

Bes, may sasabihin akong sikreto

Sikretong dapat ay inililihim ko

Pero ngayon, gusto kong malaman mo

Kung ano nga ba ito


Nasasaktan na ako

Yun na yung sikreto

Di mo alam yun no?

Wala ka naman kasing pakialam sa nararamdaman ko

Sa bawat pag-iwas mo

Nasasaktan ako

Sa bawat pagtaboy mo

Nasasaktan ako

Sa bawat paglayo mo

Nasasaktan ako

At sa bawat araw na ipinamumukha mo na hindi mo ako mahal

Nasasaktan ako

Bes, naisip mo na bang itanong kung okay ako

Hindi siguro dahil siya ang laman ng isip mo

Bes, gusto kong malaman mo

Na nasasaktan ako!

Nasasaktan ako kasi wala akong karapatan

Wala akong karapatan para ikaw ay sumbatan

Nasasaktan ako kasi ako yung nandyan

Kapag nasasaktan ka na niya ng lubusan

Tawag na nga siguro sakin ay "Tanga"

Dahil kahit hindi mo ako mahal ay ipinagsisigawan ko pa ring "Mahal Kita"

Pero ako'y titigil na

Dahil ayoko na, at ako'y pagod na

Ayoko ng matawag pa na "Tanga"!

Nang dahil lamang sa minahal kita

Kaya ito'y ititigil na

Sapagkat ako'y nasaktan na

Nasaktan na ng sobra

TULA PARA SA MGA TAONG SINAKTAN AT INIWANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon