Chapter 7

815 24 0
                                    


Chapter 7: Truth Hurts

JAYDEN'S POV

Wala kaming pasok sa 3 subjects namin. Kaya napag-desisyonan naming tumambay muna sa canteen. Natigilan naman ako ng makita ko si Max! Nag-pa straight siya ng buhok!

Nag-iba talaga ang itsura niya!

"Wow!" Bulaslas ni Ronin. "Ang ganda niya." Naka-ngiting dag-dag niya pa.

"Yuck! Wala ka talagang taste Ronin!" Natatawang aniya pa ni Adam.

"Totoo naman a!?" Apila ni Ronin.

Nakita namin kung paano sila umupo nina Angela. Medyo umikli na rin ang buhok niya.

Ano kaya ang nangyari? Ang sabi nina Janella at Angela, di daw ugali ni Maxine ang mag-ayos ng sarili.

"Hoy! Dre anyare sayo?!" Hiyaw ni Adam sa Tenga ko. "Buti nalang talaga may taste tayo, noh Jayvee?"

"Talaga!" Sagot pa ni Jayvee.

"Tumigil ka nga!" Pigil ko pa sakanya.

Di nalang namin sila pinansin at saka pumunta sa School Garden. Pero..

Anak ng... Andito rin siya?!

Di ko alam kung bakit pero, kumukulo nanaman ang dugo ko. Mabilis akong lumapit sa harap niya.

"Alis!" Hiyaw ko sakanya.

"Ano?!"

"Alis sabi!" Hiyaw ko pa sakanya at saka tinulak.

"Oyy, Jayden! Tigilan mo na siya." Pag pigil saakin nina Adam.

"Pag sinabi kong umalis ka, Umalis ka!" Hiyaw ko pa.

"Tsk. Hindi mo pag-aari to. You don't own the world. Kung gusto mo, gumawa ka ng sarili mong mundo."

Tuluyan na siyang umalis.

"Dre, bakit mo ginawa yun?" Tanong ni Adam.

"Eh sa kumukulo yung dugo ko eh!" Sagot ko.

"Kahit na. Babae pa rin siya."

"Dre mangako ka saaming tatlo na hindi mo na siya papatulan. Okay?" Si Ronin.

"Okay. Deal. Pero.." bumugtong-hininga muna ako. ".. Pag ginantihan niya ako, wala nang makaka-pigil saakin. World War III na."

Bigla naman silang napa-nganga sa sinabi ko. Napa-ngisi lang ako at saka umalis. Nakita ko naman si Maxine na umaakyat ng hagdan.

"Oh, ano na naman?" Kunot-noong tanong niya.

Di ko alam pero.. Napa-titig ako sakanya. Ngayon ko lang siya nakita ng malapitan.

May itsura naman pala siya sa malapitan eh. Lalo na at naka-lugay siya. Ganun ang mga tipo ko.

"Woy!" Hiyaw niya pa.

"I-I'm sorry. Hindi na mauulit ang ginawa ko kanina sayo."

"Apology accepted." Naka-ngiting aniya pa. "Dapat lang."

"Tch! Ang yabang mo ah."

"Tsk."

"Sige na mauna na ako." Aniya ko pa. Tumungo naman siya.

Friendship na ba yun??

~~❤️KINABUKASAN❤️~~~

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon