Chapter 24

637 14 0
                                    


Chapter 24

Kamusta

"AYAN." I said while giving Nicholas to Jayden.

"Thanks." Sabi niya. Tinanguan ko siya.

"Tita! Mommy, called. Sabi niya, she'll coming home next week." Sabi ni Margot at humikab.

Binuhat ko siya. "Sige na. Uuwi na tayo." I said. "Thank you. Una na kami." Paalam ko sakanila.

Pag lagay ko kay Margot sa loob ng sasakyan, sinabihan ko na si Manong na mabilis kaming iuwi sa bahay. Pagkauwi namin binuhat ko si Margot papunta sa kwarto niya at pumunta nako sa kwarto ko.

"SORRY, Daine dahil bumisita kami ng biglaan." Sabi ni Ate Kathryn.

Ngumiti ako sakanya at bumaling kay Nicholas na naglalaro sa sala. "Its okay. Tsaka, kasama kasi ni Marga si Margot ngayon." Sabi ko at tumungo siya.

Kararating lang ni Marga nung isang araw. Balak daw niyang kunin pansamatala si Margot kaya pumayag naman ako. Karapatan naman niya iyon bilang nanay ni Margot.

"Nicholy and Tita Dainy will watch TV?" He cutely asked.

"Yes. Tara na." Sabi ko at binuhat siya paakyat sa sofa at binuksan ang tv. Nanonood kami ng cartoons. Yumakap siya saakin at ganon din ako. Nakayakap din ako sakanya at hinaplos ang buhok niya.

"Oh, Nicholas."

Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Si Jayden.

"Tito!" Masiglang sabi niya pero di siya umalis sa pwesto niya.

"Pinapunta ako ni Ate dito para bantayan daw kayo." Paliwanag niya at tumungo ako.

"Upo ka muna jan." Sabi ko at sumunod naman siya.

Tinignan ko ang cellphone ko dahil sa nagtext.

Nella:

How? Punta naman kayo dito para may kalaro din si Baby Xander ko.

Napangiti ako. Pagkatapos ng ilang taon, di pa rin talaga siya nagbabago. Mabilis akong nagreply.

Me:

Okay. Titignan ko yung schedule ko.

"What are youw dowing, Tita?" Nicholas said inoccently.

Pinisil ko ng onti ang ilong niya. "I'm talking to Tita Nella."

"Oww-key." Sabi niya at tumungo-tungo pa. Hinigpitan niya yung yakap niya sakin.

"Miss Daine, handa na po ang pagkain niyo." Sabi ni Maya.

"Sige. Susunod nalang kami." Sabi ko at bumaling kay Nicholas. "Tara. Lets eat?"

Tumungo siya at kinarga ko siya at bumaling kay Jayden. "Tara, Kain tayo."

Tumungo si Jayden at sinundan kami.

"Your houwse is hwuge, Tita!" Sabi ni Nicholas habang pumapalakpak. Napangiti ako at ginulo ang buhok niya.

Nang kumakain na kami, patuloy pa rin sa pagkwento si Nicholas.

"NICE, para kayong family." Napabaling kami sa pinto. Nandoon si Marga. "Hi Kuya Jayden!" Sabi niya pa.

"Hi Tita Daine!" Bati ni Margot at niyakap ako.

Tinignan ni Marga si Nicholas. "Ay hala, kamukha mo Kuya Jayden!"

"Ah anak ni Ate Kathryn yan." Sabi ni jayden at humalakhak.

Tumungo-tungo naman si Marga at bumaling sakin na may ngisi.

Pagtapos kumain, ako na ang nag presinta na maghugas ng pinagkainan habang nasa sala ang mga bata. Si Jayden naman ay pinaiwan ni Marga sa di malaman na dahilan.

"Kamusta?" He asked.

Nagulat ako sa tanong niya. Pagkatapos ng maraming taon, Kamusta? HAHAHA Nagpapatawa ba siya?

"Okay naman." Sabi ko. "Naka-move on na." At humalakhak ako ng onti.

"Ah. Good for you." Sabi niya.

Good for you, your face! Well, di ko naman sinasabi na may hinanakit pa ako sakanya. I was just saying the truth.

UMALIS na sila ni Nicholas pagkatapos ng ilang minuto. Siguro guilty siya. Aba, dapat lang! Basta ako, naka move on na.

"Naka move on na a?" Sabi ni Marga habang umupo sa tabi ko sa kwarto.

"Hoy ikaw a. Anong move-on, move-one ka jan?" Tanong ko. "Kung ano-ano inaatupag mo."

Tumawa siya at ngumiti. Niyakap ako mula sa gilid. "Thank you, Ate. Thanks for taking care of us. Thank you sa pagtulong sakin. I love you!"

"I love you too, kahit pasaway ka." Sabi ko at tumawa.

"Wala ka ba, Ate-ng planong balikan siya?" Tanong niya.

"Ewan. Pero, bahala na si Batman don." I said.

"Ows? Ewan? Ibig sabihin, okay lang sayo?" Tanong niya pa.

"Ikaw a, pumunta ka na dun kay Margot. Baka hinahanap ka na."

Tumawa siya at tumayo. "Tsk tsk. Nako nako. Kilala kita, Ate."

******

2 update sa isang araw. Nice! Thank you sa inspirasyon, guys! Hart hart!! :)

- PurpleJade26 -

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon