Chapter 26

948 16 0
                                    


Chapter 26

Kulit

"TALAGA, Ate!? Sinabi niya yun?" Magiliw na tanong ni Marga.

"Oo nga!" Sabi ko. "Pero wala naman akong balak na sakyan yung mga trip niya."

"Talaga ba, Ate?" Sabi niya.

"Ikaw a, asikasuhin mo nga yang anak mo. Baka mamaya sa kilig mong yan, magtampo yung anak mo." Sabi ko at tumawa. Aapila pa sana siya pero tinulak ko na siya palabas.

"OKAY ba yan?" Tanong ko kay Sky habang inaayos sa computer yung pinagagawa niyang Layout.

"Wait." Inabot niya ang mouse at kinonrtol. Kaya para tuloy siyang nakayakap mula sa likod.

Nagulat nalang ako sa malakas na hampas sa lamesa dito sa opisina. Muntik na kaming mapatalon sa sobrang gulat!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Jayden at galit ang mga mata. "Sky, eto na yung layout." Sabi ko at inabot ang USB.

"Thanks." Sabi niya at nginitian ako kahit kita sakanya ang gulat at pagtataka.

Bumaling ako kay Jayden. "Oh ano?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "Anong ginawa niyo?"

"Nagpatulong siya gumawa ng Layout." Sagot ko.

Yun naman kasi ang totoo! Grabe nalang to pag di siya naniwala. Tsk

"Nagpatulong? E halos yakapin ka na niya e!"

"E ano naman? Ano naman yun sayo?" Tanong ko. Napatayo na dahil sa inis.

Pagsiya, nakita ko na may kayakap, nagagalit ba ko!? Hindi naman a. Tsk.

"Sagutin mo ako!" Sigaw niya.

"Bakit? Tayo ba? FYI, di pa kita sinasagot kaya wala kang karapatan!" I said.

"Meron! Matagal na!" Sabi niya.

Pumatak yung luha ko. Wala akong pakielam kung makikita niya pa to.

"Wala na!" Mariin kong sabi. Pinunasan ko yung luha ko. "P*tangina namang luha to."

Tumawa ako. "Yung araw na iniwan mo ko, yun yung araw na nawalan ka ng karapatan sa buhay ko. Kaya wag kang magpakita sakin at sasabihin mong may karapatan ka. Kasi ilang taon nang naglaho yung karapatan na tinutukoy mo!"

"Pero-"

"Subukan mo umalis ng bansa. Wag ka nang babalik pa." Sabi ko at Iniwan ko siyang nakatanga.

"ARE you happy for me?" Tanong ko kay Janella.

"Okay ka nga. Pero di ka naman masaya." Sabi niya.

Natauhan ako sa sinabi niya--No! Tinamaan ako sa sinabi niya. Di ako mapakali sa sinabi niya kaya umalis ako at nag maneho papunta sa gusto kong puntahan.

******

Gusto kong linawin yung mga bagay bagay. Kaya nagdagdag ako. HAHA Hope you support my other stories! :)

- PurpleJade26 -

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon