Chapter 18

526 10 0
                                    


Chapter 18: Jaimee's Revenge

Jaimee's POV

Maaga akong nagising. Kumain ako ng umagahan saka umalis ng bahay. I'm really excited sa mangyayari mamaya.

"Good to be back." Aniya ko pag-baba ng sasakyan.

Agad kong sinuot ang shades ko. Agad akong nag-lakad papasok ng building.

"Wow. Ibang-iba ka na." Sabi ni Angela.

"I'm here for my revenge." Aniya ko.

"Keep it up." Aniya saka nag-paalam paalis.

Nakita ko yung mga estudyante sa Quadrangle na nag kukumpulan. Agad akong pumunta dun. Agad ko namang nakita si Jazz. Yung kababata ko.

"Anong meron?" Tanong ko. Nagkibot-balikat lang siya.

"Ugh! So sweet naman!" Hiyaw ni Abby habang kinikilig dahil sa bigay na rosas ni Jayvee.

"Ayyiiiee!"
"Bagay sila!"
"Ang swerte ni Ate Abby!"

"Tsh. Kung alam lang nila." Aniya ko saka umirap.

"Bitter." Sabi ni Jazz habang natatawa pa!

Umalis na ako dun. Maya-maya pa'y pumunta na ako sa First class ko. Sakto naman nandun si Jayvee. Naka-upo. Alphabetical daw kasi kaya naka-upo siya sa tabi ng nasa likuran ko. Gets mo? Kung hindi bahala ka na jan.

"Okay class. Good morning. So we have our new student." Sabi nung adviser namin. "Pwede ka bang mag pakilala dito?" Tanong niya saakin.

'Wow. Introduce yourself.'

Tumayo naman ako sa harapan. Tinanggal ko ang shades ko. "Good morning everyone. Standing infront of you is Jaimee Andrea De Leon. Minsan nang niloko at iniwan. Kaya sanay nang masaktan. Babalik para gumanti, at kunin kung ano man ang dapat na nasa akin." Aniya ko. "That's all thank you!"

Napa-tingin qko kay Jayvee. Bigla siyang umiwas ng tingin.

'Umpisa palang to Jayvee..'

Agad namang nag-hiyawan yung mga lalaki kong kaklase.. Kung may gusto sila saakin, tigilan na nila. Dahil baka hindi nila kayanin ang sakit na maramdaman nila.

Pag-tapos ng klase, dumiresto na ako sa Canteen. As usual, asa table namin sina Abby at Jayvee. Sina Nella naman,Parang naiirita na sakanila.

"Uyy Jaimee!" Tawag ni Nella at kumakaway pa.

"Uyy. Hello." Aniya ko.

"Dito ka na kumain. Kasi mas Welcome ka dito." Aniya na parang diniin ang sinabi niya.

"Asan si Max at Jayden?" Tanong ko.

"Di nga namin alam eh. Well, i smell something fishy." Aniya.

Nag-patuloy nalang ako sa pag kain ko. Pag tapos ko, umalis na ako dun..

Kung minamalas nga naman. Naka-salubong ko pa sa May Locker yung dalawang malanding manloloko.

"What's Bring you here, Jaimee?" Bungad ni Abby.

"Well, i think for revenge." Tipid na sagot ko.

"Revenge? For what?" Tanong niya.

Nag tiim-bagang na ako. "Tanga ka parin pala ngayon noh? O sadyang makakalimutin ka na. Alam mo, hindi bagay sa isang malanding tulad mo ang mag-tanga tangahan."

Aambain niya akong sampalin pero naunahan ko na siya. "How dare you!" Aniya niya habang naka hawak sa pisngi niya.

"Di ba dapat ikaw ang tatanungin ko niyan? Okay so lets bring you back the question. How.. Dare.. You?!" Aniya ko. Bigla naman siyang natahimik.

"Abby, come on. Let's go. Hindi dapat siya pinag-aaksayahan ng panahon." Singit ni Jayvee. Tumungo nalang si Abby saka Sumunod.

'Simula palang to. Marami ka pang makukuhang sampal galing sa akin..'

****

Ayan na. Maghihiganti na si Jaimee! Chapter 23 23 23 23 23 23 23 23 23 23 23 23 23 23. Haha I hope you like it Jema 😆

-P U R P L E  J A D E 💖

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon