Epilogue

1.6K 18 0
                                    


Epilogue

MABILIS akong nagmaneho papunta sa bahay nina Jayden. Kakapalan ko na yung mukha ko. Pupuntahan ko siya kahit ano pa ang isumbat niya sakin.

"Ate Kath? Manong guard?" Sigaw ko sa may gate nila.

Lumiwanag ang mukha ko nang makita si Trisha. Ngumiti ako ng matamis saka siya kinausap. "Si Jayden?"

"OMG! Di mo na siya maabutan." Sabi niya. "Nasa Airport na siya?"

Napamura ako ng malakas saka tumakbo at nagmaneho. Di ko pa natanong kung saan bansa siya papunta. Ang inaalala ko lang ay ang kung paano ko siya mapupuntahan at mapipigilan. Wala akong pakielam kung mag mukha akong tanga sa harap ng maraming tao. Ang importante, mapigilan ko yung taong hinahanap-hanap ng puso ko.

At alam kong tanging si Jayden lang iyon.

Patakbo ako habang pumasok sa entrance. Di yata ako napansin nung guard kaya nakapasok agad ako. Inikot ko ang mata ko sa paligid. Hinanap ko siya.

"Jayden?" Sabi ko habang luminga-linga.

"Bakit ka nandito?" Napalingon ako sa boses na yun.

"J-Jayden." Sabi ko at tuluyan nang umiyak. "I'm sorry."

Mukhang naguguluhan siya kaya lumapit ako.

"Sorry kung nagsinungaling ako. Sorry kung pinaramdam ko sayo na Wala na akong pakielam. Kaso mali ako e. Mas lalo akong nasaktan. Muntik ko pang mapakawalan yung taong hinahanap ng puso ko sa mga taong nagdaan." Sabi ko havang humihikbi. "Kasi ngayon, na-realize ko na may tao pa palang kaya kong mahalin kahit ano pa ko. Yung tatanggapin ako kahit ano pa ang ugali ko. Yung magtiyatiyaga para makuha lang ako."

Natawa ako nang maalala ang mga memories naming dalawa.

"Pero ngayon, nandito ako para pigilan ka. Para sabihin sayo na, Mahal na mahal na mahal na mahal pa rin kita!"

Pagtapos kong sabihin ang mga salitang iyon ay bigla niya nalang akong niyakap.

Naramdamang kong kumalas na siya at hinarap akong may ngisi. "Akala ko wala na e. Pero ngayon, gusto na kitang tanungin. Will you marry me? Syempre wala ka nang choice kundi um-oo."

Mangiyak-ngiyak ako habang tinitignan ang singsing na sinuot niya saakin. I didn't expect na after all this years, may plano siyang ganito.

Si Jayden Gonzales? Mahirap nga paniwalaan. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang bipolar ko.

Hindi ako laging sigurado sa lahat ng bagay. Pero isa lang ang sigurado ako. Pakakasalan ko si Jayden Niccolo Gonzales ng buong puso. It's my chance.

«The End»


****************

- PurpleJade26 -

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon