Chapter 23

601 11 0
                                    


Chapter 23

Change

IT'S BEEN a lot of years. Always feeling alone, helpless, and worthless. My friends got married, had their own families, and had their own happiness in life. Hindi ko alam kung paano ko nalampasan lahat ng sakit at pagdurusa na nakuha ko 3 years ago.

"Mommyyy!" Napangiwi ako nang makita ko si Margot. Niyakap ko siya at kinarga.

Margot Danielica. Kasing ganda niya ang pangalan niya. Akala ng iba, anak ko siya. Pero hindi. Anak siya ni Marga. Kaso hindi sila kasal ng tatay ni Marga kahit anong pagpupumilit nina Tito at Tita. Naawa naman ako kay Marga kaya sinabihan ko siya na manatili nalang muna sa ibang bansa at ako na muna ang bahala kay Margot.

"Saan tayo pupunta, Mommy?" She asked. Feeling so Excited at the same time.

"Birthday ng anak ni Tita Nella mo. We should come." I said.

Naligo ako, nagbihis, at naglagay ng light makeup. Bumaba ako para i check si Margot kung ready na siya. Napangiwi nalang ako ng makita siya na nakasuot ng kaprehas kong damit.

"Twinning!" She excitedly said.

Pagkatapos nun, umalis na kami at nagpahatid sa driver. Nasa kabilang kanto lang naman ang bahay nina Nella at bahay nina Jay-- Ehem. Kaso ayaw ni Margot maglakad dahil masakit daw ang paa niya. For a 4 year old girl, nakuha niya pang magdahilan ng ganyan.

Bumaba kami ng sasakyan. Mabilis na tumakbo si Margot sa mga anak ng mga kaibigan namin. Hindi na rin ako magugulat kung nandito sina Ate Kathryn.

"Daine!" Niyakap niya ko. Ngumiti ako sakanya at sa dala niyang baby. "He's Nicholas. My son. 2 years old."

"Wow. Ang laki niya." I said.

"Tihtoh!" My body frozed when i hear Nicholas Shout. Tumakbo siya papunta sa pinto.

Tumigil ang mundo ko nang marinig ko ulit ang boses niya.

"Hi there little man! Kamusta?" Naramdaman ko na naglakad siya papunta samin. "Oh, Ate. I didn't know your here."

"Uhm.. Yes. Biglaan lang. Saka kausap ko na rin si Max. Right Daine?" Sabi ni Ate Kathryn at tumungo ako at napabaling kay Jay--Oh my! Nagiba yung itsura niya. He looks more musculine.

"Yes." I said.

"Oh nandito na pala kayo. Tara na." Nakita namin si Nella sa loob karga si Xander. Nagbatian kami at nilaro si Baby Xander saka kami pumasok sa loob.

Pagdating ng gabi, magkayayaan silang maginuman saglit sa may garden nina Nella habang naglalaro naman ang mga bata sa loob ng bahay nila.

"Yang batang yan? Gaganyan ganyan lang yan pero sobrang kulit!" Sabi ni Nella saka humalakhak.

"Si Gelo, ganyan din. Grabe! Sa una lang mahiyain. Sobrang daldal." Sabi ni Maan. "Syempre may pinagmanahan."

"Di naman ako ganyan nung bata!" Apila naman ni Adam. Binato naman siya ni Jayden ng boteng walang laman. "Awtch!"

"Nahihibang ka ba? Ganyan ka kaya!" Apila ni Jayden kaya napatawa kami.

Nagulat ako ng nasa gilid ko pala si Nicholas. "Ta i want to sleep." Sabi niya ng naka nguso.

"Baby, tara dito. Sleep ka nalang sa lap ko." Kumbinsi ni Ate Kathryn.

"No." Mariin niyang sabi. Talagang namana niya ang features niya kay Tito Jayden niya. "Tita, i wanna shleep at yur laps. Can i?"

"Sure." I said saka binuhat siya. Nakita kong aapila pa si Ate Kathryn kaya pinigilan ko nalang siya. After ilang minuto, mahimbing na siyang natulog.

"Oh, okay lang ba kayo jan?" Napatingin kami sa Mommy ni Nella.

"We are fine naman po, Tita." Si Maan.

"Ah. Anlalaki na ng mga anak niyo a." Puri ni tita. "Oh, Daine! Anak mo na ba yan?"

"Ah no! Hindi po tita. Uhm.. Anak to ni Ate Kathryn." I said defensivly.

"Oh." Sabi niya. "Sige maiwan ko na kayo."

"Tignan mo nga naman. Di mo ba talaga anak yung Bata na dala mo kanina?" Tanong ni Adam sakin.

"Hindi nga!" Sabi ko. Natupi ko ang mga labi ko dahil muntik nang magising si Nicholas. "Anak ni Margareth yun."

"Ah." Sagot niya ng tatango-tango.

Napabaling ako ng gumalaw si Nicholas. Hinawakan niya yung pisngi ko. "You're so beawtiful, Ta." Saka pumikit ulit.

Nalaglag yung panga nila. "Sure ka ba, Jayden na hindi ikaw yung tatay nito?" Sabi ni Adam. Nakatayo habang tinuturo si Nicholas. "Putcha pare, may pinagmanahan."

Tumawa naman kaming lahat. Buti hindi siya maririnig ni Ate Kathryn dahil may binili siya sa 7-Eleven.

"Tigilan mo nga, Adam. May mga bata. Baka marinig ka." Saway sakanya ni Maan.

Ang dami nang nabago. Parang dati lang, masaya kaming nag kwekwentuhan na parang walang pakielam sa mundo..

******************

- PurpleJade26 -

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon