Chapter 17

534 12 0
                                    


Chapter 17: She's totally back!

Maxine's POV

Gulat na gulat kami ng makita na naglakad sa RedCarpet si Jaimee. Naka-formal dress siya at kitang-kita mo ang curve ng katawan niya.

"Woah!" Ani ni Nella. "Si Jaimee na ba yan?" Takang tanong niya.

Agad naman akong tumingin kay Jayvee. Naka-tingin siya kay Jaimee. Malaki ang pinagbago ni Jaimee. Mas lalo yata siyang nag-mature.

Mabilis siyang lumapit sa table namin. "Uyy Max! Lalo kang gumanda." Aniya.

"Hoy Jaimee. Masamang mag-sinungaling ah." Sabat naman ni Kuya.

"Epal ka!" Singhal ko kay Kuya.

"Nope. Actually, mas gumanda lalo si Maxine." Masayang ani ni Jaimee.

"Thanks." Aniya ko.

Pina-upo nina kuya si Jaimee. Sakto naman, sa tapat pa ni Jayvee at Abby. Tahimik lang na nakikinig si Jayvee sa mga usapin namin.

"Wala ka bang naging boyfriend dun sa America?" Tanong ni Nella kay Jaimee.

"Actually, wala. Nag fofocus lang ako sa pag-galing ko." Naka-ngiting aniya.

"Kahit manliligaw wala?" Tanong ni Nella. Umiling naman si Jaimee. "Woah! Bakit? Sa ganda mong yan?"

"Sabihin nalang natin na, hindi pa kaya ng puso kong masaktan pa ulit." Naka-ngiting aniya.

"Awwss." Ani ni Christian. "Shaklap to the bones"

"So paano ka duon? Paano yung studies mo?" Tanong ni Kuya.

"Home schooled. But actually, mag aaral ulit ako dito. I hope sa section one ako." Naka-ngiting aniya.

Bakit parang hindi halata sa mukha niya na nasaktan siya?

"Ang galing mo naman." Naka-ngiting ani ni Christian at Ronin.

"Ginawa ko kasing dahilan yung sakit ng nakaraan para bumangon at mag-simula ulit."

"Woah. Hugot. Lalim a! " Namamangha pang aniya ni Christian.

"Hon. Stop teasing Jaimee." Pag-pigil ni Angela kay Christian. "Were so happy Jaims, that your finally back."

"I'm so happy too. And i want to take whats mine." Matapang na aniya ni Jaims at sumulyap pa kina Jayvee at Abby.

"Love, tara sayaw tayo." Yaya ni Jayvee kay Abby. Tumungo naman si Abby saka tumayo. Pag-alis nila, nagkaroon pa ng kaunting katahimikan.

"Di ba pinsan mo si Abby?" Tanong ni Nella.

"Not anymore." Matapang na ani ni Jaims. "Kinalimutan ko na siya bilang pinsan ko nang makita ko yung kahayupang ginawa nila."

Nalaman kasi namin na nagka-ayos na si Jaims at Jayvee. Naging sila pa nga eh. Kaso nung dalawang buwan palang sila, nakita ni Jaims na naghahalikan si Abby at Jayvee. Nalaman niya ren na may relasyon na pala yung dalawa.

"Tara, Hon lets dance." Yaya ni Angela kay Christian. Agad naman silan

"Napag-iiwanan na tayo ng mga lovers noh?" Sabi ni Nella. Naiwan kasi kami sa lamesa ni Kuya, Ronin, Jacob, Nella, Jaims at ako.

"Kuya, gusto mo dalhin ko si Ate Sabrina dito?" Tanong ko.

Binatukan naman niya ako. "Gagu ka ba? Subukan mo. Babatukan talaga kita minuminuto."

"Hehe. Binibiro ka lang naman eh." Angal ko. "Peace!" Aniya ko sabay peace sign. "Susuntukin kita jan e."

"Anong sabi mo?" Tanong ni Kuya.

"Wala!"

Jaimee's POV

Naka-tayo ako sa may pinaka-dulong balcony. Tinitignan ko yung mga bituin na kumikislap sa langit.

"Nag-papahangin huh?" Agad naman akong napa-lingon sa boses na yun. Agad naman siyang lumakad papunta sa tabi ko.

Nag-karoon ng kaunting katahimikan..

'Magsalita ka ng hinayupak ka. Alam kong kating-kati na ang mga dila mo, g*go.'

"Kamusta naman kayo ni Abby?" Tanong ko.

Agad naman siyang lumingon saakin. "Okay naman."

"Siguro ang saya-saya niyo no?" Aniya ko. "Kung sabagay. Magaling naman kasi yung pinsan ko. Pinaglihi yata sa Ahas."

"What's your problem?" Tanong niya. "It's not funny."

"Bakit? Hindi ba totoo?"

"Ano bang pinaglalaban mo?" Tanong niya.

"Anong pinaglalaban ko?" Aniya ko na animo'y natatawa pa. "Dapat pinaglaban ko na dati pa kung ano yung akin. Kaso mahina eh. Mahina yung puso ko." Sabi ko sabay turo sa Puso ko.

"May mga bagay pala na, kahit anong higpit ng yakap ko, nakaka-wala pa rin sa mga bisig ko." Sabi ko.

Di ko namamalayan na may pumapatak na pala na luha sa mga mata ko.

"I'm sorry. I'm so Sorry." Aniya.

"May magagawa pa ba yang sorry mo? Do you know that this pain kills me everyday. Kahit anong limot ko, hindi pa rin mawala-wala yung sakit." Sabi ko aabay punas ng luha sa mga mata ko. Nung hindi ko na nakayanan yung sakit, Agad na akong umalis duon at umuwi.

****

Destined Hearts (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon