Chapter 1

18.9K 446 10
                                    


Two years ago...

MABIGAT ang katawan, hindi maidilat ng maayos ang mga mata pakiramdam ni Tatiana ay katapusan na niya. Nasaan ba siya? Nauwi ba siya ng mga kabaro niya? Pero walang amoy ng pamilyar na amoy ng Hospital sa kanyang pang-amoy. Pakiramdam niya nasa loob pa rin siya ng kagubatan. Marahang binuksan ni Tatiana ang kanyang mga mata, tama nga siya, nasa kampo pa siya dahil nasa loob siya ng isang malaking tent.

“Ah-ahh!” Nanakit ang kanyang balikat nang sumubok siyang lumingon.

Nag angat siya ng tingin at ganoon na lang ang pagkakunot ng kanyang noo ng makita ang hindi pamilyar na bandila. It's not the famous terrorist Isis or even the Abu Sayaff's flag. Alam niyang napulbos na nila ang grupong iyon so what is this tribal emblem with a huge "M" at the middle?

Ngayon ay kinakabahan na siya, she's never been this nervous before. Hindi kasi siya sigurado kung kalaban ba o ano ang mga taong narito ngayon. She never heard this group o baka ito sana iyong sinasabi ng Chief nila na naka-line up na misyon niya.

Gumalaw ang bukana ng tent, mabilis na bumalik sa paghiga si Tatiana kahit na napaigik pa siya dahil naipit ang kanyang braso. Damn it! Kailangan niyang maging maingat lalo na ngayon na hindi niya alam kung sino ang mga kasama niya sa lugar na ito!

“I know that you're awake, the Commander wants me to take you at his private tent.”

Tumaas ang kilay ni Tatiana, his English accent is flawless. Ibig sabihin terorista nga ang nakakuha sa kanya? Anong grupo? Bakit? Bakit ba lapitin ng kung anong mga masasamang tao ang Pilipinas?!

Dahan dahan siyang bumangong muli, nakahawak ang kanyang kanang palad sa kaliwang balikat. Nanakit kasi iyon pero pansin niyang maayos na ang ilang mga sugat niya, base on the bandages in her body, ginamot naman siya rito at hindi pinabayaan.

Tatiana looked at the man standing at the middle of the huge tent. Matangkad na lalaki ito at medyo may kahabaan ang maitim nitong buhok. By the look of him mapapansin na talaga na may lahi ang binata pero may dugong Pilipino.

Right. It's not the right time to think of that Tati. You need to know what group it is.

Her expression immediately turned into an angry wolf. “Who are you and where am I?”

Ngumisi lang ito sa kanya at lumapit. Napaigik siya sa sakit nang hilain nito ang braso niya ng marahas. Damn! He didn't even know how to be gentle. She's fucking wounded but then, come to think of it, she's a soldier and when it comes to the battle being gentle is out of the list.

Hinila siya nito palabas ng yurt. Natigilan siya ng masilayan ang labas. Naglalakihang bandila ng parehong emblem ang naroon. Nilibot niya ang tingin sa mga taong naroon na halos lahat ay napabaling ng tingin sa kanya. They're all wearing a black clothe with a black fabric wrapping around their forehead. Mukhang sundalo ang lahat at hindi mapagkakamalang terorista dahil sa linis ng mga ito.

“What are th...” Halos hindi na niya maituloy ang sasabihin niya. Masyado siyang mangha at the same time natatakot sa mga nakikita niya. Nilingon niya ang lalaking may hawak sa braso niya. “Don't tell me I am going to be a sex slave here?!” Tanong niya.

Iyon kaagad ang pumasok sa isip niya, sa nakikita niya kasi iilan lang ang babaeng nahagip ng kanyang paningin, tatlo lang yata. At alam niya ang ginagawa sa mga babaeng katulad niyang nadadakip, lahat ito'y kalkulado na niya sa utak niya.

“Don't worry we already have one.” Tinuro nito ang isa pang yurt sa dikalayuan. Ibig sabihin ay may babae pa roon?! “The Commander wants you. That's why no one must lay a finger on you.”

And yet you are dragging her brutally! But damn! Anong sinasabi nito na gusto siya ng Commander? To be what? A sex toy? No way! Kahit na sugatan siya kayang kaya niya pang lumaban!

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon