Chapter 6

14.2K 346 5
                                    


FLAME SEIRYU. That's the name of the man who ruined her body who made her feel like... Tatiana shook her head, humigpit ang hawak niya sa malinis na bimpong pinupunas niya sa mukha ng dalaga. Sa bawat araw na lumilipas ay bumubuti na ang lagay nito. Ayaw niya lang talaga na manaliti pa ito sa yurt ng Quattro na iyon, kung pwede nga lang ay kasama nito si Daisy but she couldn't trust that woman too. Hindi naman pwedeng isama niya ito sa yurt ni Fl... Flame.

She sighed. Wala pa rin itong balak na pakawalan kahit na si Francesca, dahil sino pa nga ba ang magiging patibong nito para sa kanya kung wala si Frances. But at least she's safe now kahit na ang naging kapalit nito'y ang kanyang dignidad. Ayaw na niyang isipin iyon dahil sino pa bang magtutulongan kung hindi silang dalawa lamang.

“Tatiana... Kailan tayo makakaalis?” Paos pa rin ang boses nito at halata pa rin ang panghihina.

She smiled at her, Frances is so fragile. “Don't worry, I'm doing my best for you to escape. Gagawa ako ng paraan para kahit na ikaw ay makalaya sa mga demonyo rito.”

“H-how...?” Tanong pa nito. “Quattro told me that you are their Master's bed slave. You're gonna...”

She nodded painfully. “I can swallow my disgust for him. Kumpara sayo mas matibay ang loob ko. Masyado ng masakit ang mga napagdaanan mo rito. Ang importante'y makaalis ka para makahingi ng tulong sa ETHQ.”

“Paano ang asawa mo Tati...”

Pinilit niyang huwag maluha sa sinabi nito. “I can handle everything, trust me Francesca. Makakaalis ka rito. Magtutulongan tayong dalawa.”

“Tati, pwede mong kontakin si Cereese. She's close to you, siguradong matutulongan niya tayo.”

“May possibilty din na mapahamak siya. Hindi ko pa kalkulado kung gaano kalakas ang grupong ito. Kahit iyong mga armas nila, kung ang mga taohan lang kayang tapatan iyan ng mga torturers but they're different from Project X and Goi Mafia.” Tukoy niya sa mga dating nakalaban ng grupo nila. “All we can do is to wait, I told you I can swallow my disgust for their head Commander just to know his weakness, kapag nalaman ko ang kahinaan niya magiging madali na ang lahat para sa akin.”

And how can she contact Cereese Aime Hekuxus? Hindi na niya masyadong nakikita ang laptop o kahit ang cellphone man lang ng binata. Nagiging maingat na ito sa kanya. Hindi niya nga mabawi iyong na-email niya kay Macky na maaring magdala ng kapahamakan sa grupo nila.

“Madame, Sire is looking for you to join her in supper.” Si Quattro iyon na kapapasok lang sa yurt nito.

Hindi na siya nag abala na balingan pa ito ng tingin. “I'm going to eat with Frances.” Aniya.

“You can't. That's the Commander's order.”

Marahas niya itong nilingon nakita niyang titig na titig ito kay Frnacesca, “I don't trust you enough to feed her properly! Bakit hanggang ngayon hindi pa bumabalik ang lakas niya? You're doing devious to her, right?!”

“Your accusation is wrong, Madame. Please go back to Sire Flame's yurt. He's waiting for you.” Anito na hindi man lang inaalis ang tingin kay Francesca.

Muli niyang nilingon si Frances, nakahiga ito sa kama habang tinitignan siya. Ngumiti lang ito ng tipid kaya bumagsak na ang balikat niya at walang nagawa kundi ang tumayo.

Humakbang na siya papaalis pero huminto siya sa harapan ni Quattro. “I swear, kapag may ginawa kang masama sa kanya...”

“I wouldn't dare, Madame. Please settle you mind at ease.” Malamig na anito.

Binalingan niya ng tingin si Francesca sa huling pagkakataon bago siya tuloyang lumabas. Abala na naman ang mga tao, ang ilan ay may dalang mga panibagong armas. Iyon ba iyong mga chopper na narinig niya kanina? Nakaalis na ba ang mga iyon? Para saan ang mga panibagong armas?

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon