Chapter 7

13.6K 370 13
                                    


SINADYA ni Tatiana na magpagabi kasama si Daisy sa kakahuyan, aayain niya pa sana ito sa palibot ng dalampasigan para makita niya ang dagat ngunit tumanggi na ito. Actually, isa iyon sa mga paraan niya para makakita ang daan paalis. Kaya lang bigo siya dahil pati ang helipad ay hindi man lang niya nakita. Masyadong mailap sa impormasyon si Daisy, halatang loyal ito sa hayup na Flame na iyon.

Sigurado siya papalayin ni Flame si Francesca pero hindi siya sigurado sa sarili niya. Malakas ang kutob niya na maiiwan siya rito at ayaw niyang umasa na makakarating kaagad si Francesca sa ETHQ kapag nagkataon.

Sa kabilang gubat sila dumaan ni Daisy, doon niya nakita ang isang parang kamalig. Maliwanag doon at maraming bantay.

“Daisy ano iyan?” Turo niya sa kamalig.

Nilingon lang ito ni Daisy. “I told you I won't share any information to you. You're known as the fairy warrior and also the fairy tactician. Malay ko ba na baka may plinaplano ka na laban sa grupo.” Ngisi nito. “Sundalo ka nga pero babae ka pa rin, imposibleng natanggap mo na kaagad ang kapalaran mo sa kamay ni Sire M2. He violated you, walang babaeng kayang tumanggap 'non.”

Matalino ang dalaga, hindi lang pala siya ang nakakabasa ng nasa isip ng tao. Alam niyang ganito rin ang iniisip ni Flame. Hindi madaling maisahan ang mga tao rito.

“Magpahinga ka na.”

“Pupuntahan ko pa si Frances.”

Nagkibit balikat na lang ito sa kanya at nauna nang naglakad palayo. Muling sinulyapan ni Tati ang malaking stock room. Kailangan niyang malaman kung naroon ba ang rasyon ng pagkain o ang mga armas ng grupo. She needs to add this place on her outline, ipapadala niya iyon kay Francesca once na paalisin na ito sa Isla.

Dumiretso na siya sa yurt ni Quattro. Hindi mo mapaghahalataan ang dilim ng gabi dahil sa liwanag ng kampo. She wonder why? Ngayon lang siya lumabas at ginabi kaya ngayon niya lang nasaksihan ang liwanag ng mga ilaw sa labas tuwing gabi tho maliwanag din naman sa yurt nila ni Flame. Hindi naman ito nagpapatay ng ilaw tuwing gabi.

Hinawi niya ang tolda at naabutan niya si Quattro na tinatapik tapik ang hita ni Francesca na mukhang mahimbing na ang pagkakatulog. Kumunot ang noo niya, inilang hakbang niya ang binata at kinuwelyuhan niya ito.

“Anong ginagawa mo sa kanya?!” Asik niya.

Isang malamig lang na tingin ang binigay nito sa kanya. “Madame, she's asleep. Please go back to your yurt.”

Binitiwan niya ang binata. Tama ito, baka magising pa si Francesca kapag nag eskandalo pa siya. Ngayon niya pa lang nakitang payapa ang mukha nito habang natutulog. Still, ayaw niya pa ring umaaligid si Quattro sa kaibigan niya.

Tumalikod na si Tatiana, bago pa siya makalabas ng yurt ni Quattro narinig niya pa ang sinabi nito. He says that: I don't want her to leave.

You're wrong because Francesca will leave this hell as the prize of her sacrifices.

Bumalik na siya sa yurt ni Flame. Ito ang unang pagkakataong nakita niyang natutulog na ang binata ng mag isa sa kama. Hindi talaga ito natutulog ng hindi siya nagagalaw kaya laking pagtataka niya. Humakbang siya papasok, nakakasilaw ang ilaw sa silid.

Nilapitan niya si Flame na nakahiga na sa kama. Pinagmasdan niya ang pagkakakunit sa noo nito. Ano? Ano bang kahinaan mo? Bakit ang hirap basahin ng lalaking ito.

Tumiwid siya ng tayo, dumiretso sa switch ng ilaw at pinatay iyon bago siya muling lumabas ng yurt. Sa labas muna siya't magpapahangin. Naglakad lakad muna siya sa labas. Marami pang taong gising siguro'y bantay sa gabi. Gusto niya pa sanang balikan si Francesca pero ayaw na niyang gambalin pa ang pagtulog nito.

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon