Chapter 3

14.9K 344 1
                                    


SUMAPIT ang gabi hindi pa rin mapakali si Tatiana, kung totoong pinahamak niya ang grupo dahil sa email niyang iyon,  na sigurado siyang nabasa na ni Macky sa mga oras na ito. Dapat pala'y inimail niya rin kahit si Green man lang or si Hellion. For sure the torturers will help her but ayaw niyang malaman ng mga magulang niya ang pangyayaring ito. God! Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Ngayon lang walang pumapasok na utak niya na magandang plano. Lahat dead end o kaya'y ikapapahamak ng grupo gaya ng ginawa niya. Her rush actions will kill them all. Sa nakikita niya'y mahigit isang libo ang mga taong kasama ng demonyo rito.

She looked at the man again, he's blue eyes are focused at the screen of his laptop. Seryoso ang mukha nito habang ginagawa iyon. He's a good looking man but Tati will never be attracted to that demon! Kinamumuhian niya ang lalakit ito, mula ulo hanggang paa.

Maya maya'y may pumasok na tatlong lalaki at isang babae, lahat ito'y bumati kay 'M2' bago inilapag ang mga tray sa isang mahabang lamesa, doon niya kumakain ang binata. Minsan gusto niyang tanongin kung saan nagluluto ang mga ito, kung saan nakakakuha ng kuryente dahil mukhang masyadong advance ang teknolohiyang ginagamit ng mga ito. Parang wala sila sa kuta kundi nagbabakasyon lamang.

Where did they get the water? The food? Is it enough for them? Hindi ba mauubusan ang rasyon ang mga tao rito't gayong napakarami ng kumakain at umiinom?

“Sire, the food is ready.” Anang lalaki.

Hindi naman sumagot ang abalang binata sa harap ng laptop nito. Nakaobserba lang si Tatiana hanggang sa lumabas na ang mga taohan nitong hindi man lang nag abalang sumulyap sa kanya, hindi naman sa gusto siyang sulyapan ng mga ito.

Nahagip niyang sinara na ng lalaki ang laptop nito at tumayo. Alam niyang nakatingin na ito ngayon sa kanya kaya binaling niya ang tingin sa kabilang banda. She was sitting at the edge of the bed. Maginaw ang gabing iyon at tanging ang puting tela lamang ang kanyang suot. She's also terribly hungry but she wouldn't dare to say it.

“Come here and eat.” Utos iyon alam niya.

Hindi naman gumalaw si Tati sa kanyang kinalalagyan, wala siyang balak na sabayan ang demonyong iyon kahit na mamatay pa siya sa gutom.

Hindi niya ito nilingon. “If you're going to starve yourself to death then you have no time to save your comrade at the other yurt, lady.”

Tumiwid siya ng pagkakaupo nang marinig iyon. Is he...?

Sinasabi ba nito na may karapatan siyang palayain ang babaeng tinutukoy nito kung sakaling sundin niya ang lahat ng gusto nito? Iyon ang nakikita ni Tati at mukhang sigurado ang binata na kakagat siya sa planong iyon. But how can she be sure that he's not lying.

“My lady, you have my word. As long as you'll obey me, the woman at the other yurt will be safe.”

“Then can I see her?” Tanong niya nang lingonin niya ang binata.

He manly flipped his long blonde hair. “Not yet, fairy.”

“Why?”

“Not until I'm satisfied at your performance.” He said deviously.

Performance? Meaning, she's really gonna be his sex slave? Kaya ba iyon ni Tati gayong nandidiri siya ng sobra sa binata?

“No way!” She firmly said. Napatayo pa siya at kunot ang noo.

The man sitting in front of the dining table cocks a brow. “No? Then should I kill her?”

She gulped. There's no way that she will let him do that! She needs to save whoever that woman is.

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon