Chapter 5

15.1K 432 17
                                    


HINDI iniwanan ni Tatiana si Francesca sa yurt na iyon. Wala siyang pakialam kung naghintay man ang demonyo sa kanyang pagbalik sa yurt nito o kung si Quattro man ang nagmamay-ari ng kinalalagyan ni Francesca ngayon. She's not going to leave her unless nagkamalay na ito. She wanted to talk to her, that's why. Alam niyang malaki ang posibilidad ng traumang aabutin nito kung sakaling magkamalay na ito pero susubok pa rin siya.

Binalingan ni Tati ang mga pasa nito, hanggang sa dibdib nito at sa may bandang puson, maging ang mga hita'y puro pasa. Halatang kaawa awa ang sinapit ng dalaga sa lugar na ito.

Pinunasan niya ang noo ni Francesca, bahagya itong gumalaw kaya nabuhayan si Tatiana. Magdamag niya talagang hinintay ang dalaga para gumising.

“Frances...” Tawag niya.

Unti unti itong nagmulat ng mga mata. Unang labas sa bibig nito'y isang daing na nasundan ng hagulgol.

“Tama na! Tama na... Maawa ka... Tama na! Tama na!” Paulit ulit itong sumisigaw at humahagulgol. “Tama na! Huwag! A-ayaw ko na... Parang awa niyo na...”

“Frances...” Hinawakan niya ang pisngi nito, naluluha na si Tati at pilit na kinakalma ang dalaga. “Frances ako ito... T-torturers never surrender, right?” She said their motto, nagbabakasakali na kumalma ang dalaga.

Hindi naman siya nabigo dahil unti until siya nitong nilingon. Her body was stiff, parang hindi na nito magalaw ng maayos ang katawan dahil sa mga pasang natamo.

“Ta-Tania...?”

Umiling siya. “It's me Tati.”

Lalo itong humagulgol ng iyak. Hinawakan nito ang kamay niya, mahigpit na mahigpit iyon. Nanatili itong nakahiga pero kita niya ang kagustohan nitong bumangon, hirap nga lang dahil sa bugbog na katawan.

“Am I safe? You're a soldier right? You're here to rescue me!?” Puno ng pag asa ang mga mata nito.

Parang may bumara sa lalamunan ni Tatiana, ang pag asang iyon ay maglalaho ng tuloyan kapag nalaman nitong pareho lang silang bilanggo sa lugar na ito.

“We're on the same shoe, Frances.” Malungkot na aniya.

Unti unting bumitaw si Francesca sa pagkakahawak sa kamay niya. “W-what?”

“Nadakip din nila ako at pag gising ko narito na ako.”

“But you're a soldier! Bakit hindi ka lumaban!?”

Ngumiti siya ng mapait. “Anong laban ko sa libong taong narito?” Tinitigan niya ito. “We're both unlucky to deal with the devil.”

“Binaboy nila ang katawan ko Tati! Binaboy nila ako! Ilang beses sa isang araw!? Ilang tao ang gumagamit sa katawan ko! Tati ayaw ko na rito! Gumawa ka ng paraan para makaalis tayo! Impyerno ang lugar na 'to!” Paos ang boses nito kakaiyak.

Pinunasan ni Tati ang luhang kumawala sa kanya. “Huwag kang mag alala tutulongan kitang makaalis dito, sa ngayon, tanging ang katawan mo muna ang kaya kong iligtas. Wala ng gagalaw sayo rito, Frances.”

“Gusto ko ng umalis... Please... Umalis na tayo Tati... Alis na tayo... Parang awa mo na...”

Her pain is hers too. Damang dama niya iyon. Sa hagulgol pa lang ni Francesca alam niya na kung anong pambababoy ang ginawa sa katawan nito kaya mas lalong nanggalaiti sa galit si Tatiana.

“So, you're finally awake.” Ang malamig na boses ni Quattro iyon.

Nakita niya kung paanong namilog ang mga mata ni Francesca at napaatras pa ito sa dulo ng kama. Nanginginig ang mga kamay nito at bakas ang takot sa ekspresyon ng mukha nito.

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon