Chapter 10

21.6K 397 29
                                    

“WILLOW, take in charge while we are away. We'll be back two days from now.” That fast? Ganoon lang sila kabilis sa Syudad? At bakit kailangang kasama pa nila si Quattro na masyado ng tahimik magmula ng umalis si Frances? Hindi niya talaga gusto ang inaasta nito ngayon.

“Flame, kapag nakita mo si Jade, pakisabi naman na miss na miss ko na siya.” Si Lotus iyon.

Tango lang ang sinagot ni Flame.

Kung ano ang dahilan ng pagpunta nila sa Syudad, wala siyang pakialam ang importante ay makahanap siya ng paraan para ma-contact kahit man lang ang kaibigan niyang si Cereese o kahit na sino sa mga torturers.

“Let's go.” Ani Flame at saka pinulupot ang braso nito sa kanyang bewang.

Patakbo habang nakayuko silang lumapit sa chopper. Nauna na roon si Quattro. Ngayon mas makikita niya ng maayos ang itsura ng Isla habang nasa himpapawid sila.

They settled themselves inside the chopper, the pilot which is Quattro—kaya pala ito kasama—announced that they're heading up. Nakita niyang kumaway si Lotus habang si Willow naman ay seryosong nakahalukipkip habang tinatanawa sila.

Nang makaangat na sila sa himpapawid at makalayo na sa Isla, nakita niya ang hugis nito. It was a roaster shape Island, how come that it was hidden at abandoned? Malayo rin ang kasunod nitong Isla, kaya pala natagalan sa pagbalik noon sina Daisy. Pribado at parang hindi talaga kilala ang Islang pinagkakampohan nina Flame.

Kahit na medyo mahaba ang byahe, pinilit ni Tatiana na alalahanin ang mga kalapit na Islang nadaan nila, iyong mga pamilyar sa kanya. Ilang oras din ang tinagal ng byahe nila bago sila lumapag sa malawak na lupain. Alam niyang hindi pa ito ang Syudad parang nasa malapit na probinsya lang sila.

“Sire, the M1 is here.” Ani Quattro nang makababa sila.

“We're not going at the mansion. Diretso na tayo sa Syudad. Nakahanda na ang mga sasakyan para sa atin.”

Mansion? Siguro'y may bahay nga sa malawak na lupain na ito. Nakita niya ang isang kulay itim na Porsche. Naunang sumakay roon si Quattro sa front seat, pinagbuksan naman sila sa likoran.

“Where are we?” Hindi niya maiwasang tanongin ng makaupo na siya sa likoran.

“Pangasinan.”

In Bani? Oh God! Malapit lang ba siya sa hacienda nina Ian? Ang lapit lapit na niya... Nakalaya na siya sa Isla!

“We are not in Bani. We are in Alaminos.” Malamig na anito na para bang nababasa ang kislap ng kanyang mga mata. “Let's go before M1 come over. I don't want him to see my woman.” Ma-awtoridad na utos nito.

Tumango naman si Quattro at tinapik ang driver. They're in Pangasinan! Apat hanggang limang oras lamang ang byahe nito papuntang Syudad! Oh my God!

Sa sobrang excitement na nararamdaman ni Tatiana, hindi siya nakatulog o sadyang hindi talaga siya pinatulog ng nararamdaman niya. She missed the City! The tall buildings and towers, the cars! The stores! Good God! Pati normal na tao ay namimiss niya, not that those people around her at the Island isn't normal!

She just missed everything so much...

“We're going to eat first, Tatiana.”

Kinikilabutan pa rin talaga siya sa tuwing binabanggit nito ang pangalan niya. Her name sounds the fairy queen in William Shakespeare's play A Midsummer's Night Dream, tho it was originally "Titania" which is her sister's name but her co-soldiers adapted that word "fairy" to call her the "fairy warrior" or the "fairy tactician.”

Sa Makati na sila humanap ng restaurant na kakainan. Isang kilalang cuisine iyon, tho hindi na sumama sa kanila si Quattro at may iba pa raw itong pupuntahan. Goodness! Even the restaurants at the City! She really felt the taste of the freedom.

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon