Chapter 9

14.8K 333 5
                                    


NAKANGITI niyang sinalubong si Francesca nang lumabas ito sa yurt ni Quattro. Inaalalayan ito ni Daisy. Gustohin man niyang lumapit para tulongan ito sa paglalakad pero nakaakbay sa kanya si Flame at kabilin bilinan nito na huwag lalapit sa kanya ng walang isang dipa ang layo. Siguro'y natatakot ito na baka may plano siya which is nabigay na niya kay Frances kahapon pa.

Nakatayo sila sa malawak na helipad ng isla, wala ito sa blue print na nai-sketch niya pero sigurado naman siyang matatanaw ito sa himpapawid kung sakaling by air nga sumugod ang mga torturers. Kasi, sinabihan niya si Francesca na pwede rin sa dagat, may higit isang daang bantay doon, alam niyang kayang kaya iyong patumbahin nila Rendox kahit sa malayo. Kaya ng mga itong makapunta ng tahimik para putolin ang pinagmumulan ng kuryente sa Isla, malapit iyon sa kitchen which is mabilisan niyang nilagay sa plano kahapon.

Huminto ito sa tapat niya, she was about to hug her when pero humigpit ang pagkakahawak ni Flame sa kanyang balikat.

Nilingon niya ito. “Can I at least hug her?”

“Later.” Anito bago nagpatianod ang kanyang katawan ng maglakad sila patungo kung saan.

She's not going by air?

Naglakad sila at ang ilang mga taohan papunta sa pampang. Mali ang naisulat niya sa blue print dahil mas marami sa isang daan ang bantay na taohan doon, alam niyang may mga nagkalat pa sa kagubatan mula pampang bago makarating sa main camp.

Doon siya binitiwan ni Flame, nakita niya ang malaking barko sa may gilid at ang ilang piratang naroon, may flag din ng "M" ang naturang barko.

“Don't tell me diyan niyo ipapasakay si Frances?”

“Of course not. Masyadong kapansin pansin kapag 'yan ang ginamit.” Malamig na anito.

“Uh? Where is Quattro? Don't tell me he's going to maneuvered the yacht?” Ani Lotus na nasa tabi lang nila.

Umiling si Willow. “Nasa kampo si Quattro. He didn't want to witness the painful departure of the love of his life.”

Umarko ang kilay niya sa sinabi nito.

“What are you talking about Willow? Imposibleng magustohan ni Quattro ang babaeng naging puta sa kampo.”

Kinuyom niya ang kanyang kamao sa narinig. Calm down, Tatiana, calm down. Wala kang laban kapag pinagtulongan ka rito.

Natigilan siya nang kalabitin siya ni Daisy, kaagad siyang ngumiti nang makitang may buhay na ang mukha ni Francesca.

“Francesca...” Nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.

“I don't want to see their faces before I leave.” She whispered. “I'll make sure na makakaalis ka rin dito.”

Marahan siyang tumango bago ito pinakawalan sa yakap.

“Mag iingat ka.”

Nanigas si Tatiana sa kinatatayuan nang maramdaman niya ang mainit na palad ni Flame na humapit sa kanyang bewang.

“Daisy, come with her. You know what you're going to do.” He said in his authoritative voice.

“Yes Sire M2.”

May kulay pulang bote itong inabot kay Daisy. Iyon yung boteng ibinigay ni Willow kay Flame kahapon. Was it that?!

Walang pag aalinlangang tinanggap iyon ni Daisy bago inabot kay Frances. Masama ang kutob niya sa laman ng boteng iyon. Nakita niya ang pagkislap ng takot sa mga mata ni Francesca, is that a poison? Hindi nila papatakasin si Frances ng buhay sa Islang ito!?

Dangerous Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon