1

386 9 13
                                    

Perkins University

"Shit!" Napamura ako ng makita kong napaka daming ng studyante sa covered court. 1st day of school ngayon at talaga naman nakaka stress.

Imbyerna

Akala mo naman excited silang lahat pumasok. Kundi ko pa alam iba ang ikina-e-excite nila. Karamihan sa mga nakikita ko ay babae. Pamilyar ang iba sakanila. Classmate ko last sem, ka team ko sa volley ball at yung iba mga bashers ko. Mga nahuhuli ko na nag va-vandal sa girls comfort room ng 'Ara Chen, Malandi. Ara mangkukulam. Ara, bitch.' at ang pinaka nakaka offend, 'Ara ang taba mo.' Seriously guys?

Habang pinag i-isipan ko pa kung lalabas na ba ako sa kotse ko at makipag balyahan sa mga babae na naka tambay sa bawat sulok ng school or mag stay nalang dito at mag pa late ng 15 mins sa unang klase ko. I'm sure my prof wouldn't' mind.

"Hello, Mom?" My mom called. Napailing nalang ako. Alam ko na kasi kung bakit napatawag 'to. "Did he arrive?" Sa tono ni Mommy mukhang excited na siya. Katulad ng mga babae dito sa campus. Bored akong napa irap sa ere habang tinanggal ang aviator ko.

"Mom please." I warned her. Napahagikgik si Mommy.

"Sungit naman naman ng dalaga ko." Pang aasar pa niya. Tumaas ang kilay ko. "Mommy kung itatanong mo kung nandito na siya. Wala pa okay?" Saka as if naman mahuli siya sa balita. Eh mag re-report naman sakanya agad ang mga guards na naka sunod sakin. Which is by the way annoying.

"Please naman, Ara. Be nice to Anton. He's a nice boy at isa pa you grew up together." Muli akong napa irap sa era. Si Anton? Si Anton demonyito? Nice? I'm gonna slash my throat.

"Mom, please just stop. He's a devil." Gigil kong tugon kay mommy. Bakit ba ang lahat tingin sakanya anghel? Mabuting tao, banal? Guys open your eyes!!! Tapos pag ako ano? Maldita, sutil, masamang tao, mangkukulam!

"Ara, don't be a brat. Just be good." Bago pa ako makasagot ay binaba na ni mommy ang tawag.

"Urgg!!" Napasabunot nalang ako sa aking ulo. Hindi madali ang pinalagawa nila ha? And sino ba may sabi na susunod ako? Bahala siya. Neknek niya noh.

Nag pasya na akong bumaba ng kotse. Tatambay nalang ako sa library. May choice ba? Don lang naman hindi mapapadpad si Anton. 'Yon pa? Papasok ng library? Simbahan nga hindi magawang pumasok library pa kaya?

Punyeta talaga. Isipin ko pa lang ang mukha niya na ba-bad mood na agad ako. Grabe!

Nag simula na akong mag lakad sa dagat ng mga kakababaihan na kanina pa nag papa bebe dito. Akala ko nga kanina may pageant, e. Paano ba naman kasi wagas ang mga make up ng mga babae dito. Nakaka irita talaga.

Habang nag lalakad ako ng matiwasay at nag dadasal na kay Lord na sana ay mauntog si Anton at mag ka amnesia nang makalimutan na niya ang pamemeste sa buhay ko.

Bigla nalang...

"Hello, Hello?" Nagulat ang lahat nang biglang may boses na umalingawngaw sa covered court. Galing ito sa speakers na naka kabit sa bawat sulok ng court. Napalingon ang lahat sa stage maging ako upang tignan kung kaninong boses yon. Ngunit bigo kami dahil wala naman tao don...

Sa control room.. tama! Kung saan nag a-announce ng mga scheduled events at kung anu-ano pa.

"Kamusta kayo?" Sigaw muli sa speakers. Umasim ang mukha ko sa sinag ng araw. Dahil pilit kong tinatanaw kung sino ang nasa control room since glass naman ang bintana nito at tanaw mula sa covered court kung may tao man dito.

Lalapit pa sana ako kaso..

"Oh.. finally I saw you." Galing muli sa speakers. Napa tigil ako at biglang kinabahan. Pamilyar ang boses niya.

My Unwanted Husband ❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon