8

163 1 1
                                    

Anong pake mo?

Naging mabilis ang mga araw para samin. Daddy is back from China. Sobra ang iyak ni Mommy ng malaman niya na inatake si Daddy sa China. Hindi naman ganon kalala pero my Mom being a Mom, she's over reacting. Ayaw ko ng mamana 'yon sakanya.

Ilang na ilang si Daddy habang kumakain dahil naka bantay ang dalawang private nurse na kinuha ni Mommy para sakanya.

"Can you please get rid of them. They're creepy." Bulong ni daddy pero dinig ng lahat. "No." Tipod na sagot ni Mommy. Bumulong si Anton, "Under si Dad." Sabay hagikgik pinandilatan ko siya ng mata.

"By the way.. Zayne." This it! Lahat kami ay napalingon kay Kuya. Hindi ko mawari ang kanyang reaction. Madalas ay wala naman siyang expression na binibigay pero mas blanko ang expression niya ngayon. "Governor Argente and Mayor Perkins will be your primary sponsor on your wedding." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni daddy. Si Kuya naman ay napakurap nalang at tumulala. "They're coming over later."

"I need you to be there, Zayne." Ma-otoridad na sabi ni Daddy. "Alright." Walang gana niyang sagot kay Daddy.

This is really happening! Kabang-kaba nang mag hapunan na. Mula sa terrace sa kwarto tanaw ko na ang mga ilaw sa garden at mga ilang bisita ni Daddy. Akala ko ba si Gov lang at Mayor? Pati ata si Kap at mga tanod inimbitahan niya, e.

Pag labas ko naka abang na si, Anton. Ternong puting polo na may burdang pulang rosas at puting maong ang suot niya. Mula sa pinto ay amoy na amoy ko ang pabango niya.

Umirap ako bago lumapit sakanya. Ngumisi naman ang unggoy. "Idol mo ba si Lito Atienza?" Ngumuso ito mukhang nag taka sa tinanong ko. "Hindi. Pero idol ko yung anak niya si Kuya Kim." Hindi ko alam pero bumulaslas ako ng tawa. Tawa ako ng tawa pero siya nakaka poker face lang.

Gusto ko sana siyang asarin sa suot niya. Dahil parang si Lito Atienza ang naging inspirasyon niya doon. Don't you guys get me wrong. I love florals. Gusto ko lang inisin si Anton.

"Nga pala, andyan si Angelie sa baba at yung kapatid niya." Yamot na sabi ni Anton. Parang gusto kong huminto sa pag lalakad. Bakit sila nandito? Kasama ba sila entourage sa kasal? Masyado na atang malaki si Angelie para maging flower girl at hindi ata bagay kay Primo na maging ring bearer!

Pag dating namin sa garden ay nadoon na nga si Gov at Mayor. Kasama niya sa table si Mommy at Daddy. Nag tatawanan sila habang umiinom ng wine. Wala na din ang nurse na nag babantay kay Dad.

Hinanap ng paningin ko si Kuya at natagpuan ko siya na kasama ang tatlong kasamahan niya sa student council.

Sa tabing table doon naman naka upo si Primo at si Angelie. Tahimik lang si Primo habang ngawa ng ngawa si Angelie.

"Bakit ba pati sila ay kasama." Kanina pa yamot itongs si Anton. "Ba't di mo itanong kay Daddy." Hamon ko sakanya. "Tsk" lang ang sagot niya.

Iniwan ko nalang siyang nakatayo mag isa doon. Kumuha ako ng orange juice at naupo sa table nila Kuya. Tinapunan nila ako ng tingin. I smiled pero poker face sila. Now I know kung bakit sila magkakaibigan nila Kuya.

Uminom nalang ako ng juice at nag masid-masid. Pinilit kong makinig sa usapan nila Kuya sa gilid ko pero nabigo ako dahil para silang mga ibon kung mag usap.

Maya-maya pa ay napalingon ako sa mga bagong dumating. Mga anak ni Gov. The Argente siblings.

Na-uunang mag lakad ang panganay na si Rome. Mag kasing edad sila ni Kuya pero mas na una siyang makatapos ng kolehiyo. Mas malaking bulas si Rome, meron siyang broad shoulders. Mukhang madalas siya mag gym. Makapal ang kanyang kilay at palagi itong mag kasalubong parang galit siya sa lahat.

Sumumod naman sa likod niya ang bunso nilang kapatid na si Camila Argente. Sa palagay ko ay ka-edad niya ang Triple A. Ang alam ko ay mag ka-klase sila noong kinder. Kumpara sa mga kapatid ni Anton mas matangkad si Alice. Katulad ng mga Kuya niya. Morena siya at may bilog na mga mata. Batang-bata pa ang itsura niya.

Nasa tabi ni Camila ang gitnang anak ni Gov. Si Victor. Kumpara sa kapatid niyang si Rome mas maamo ang mukha nito. Palangisi din ito. May dimples siya kaliwang pisngi at sakanilang magkakapatid siya lang ang may maputing balat at singkit na mata.

Naupo sila sa table nila Primo. Magkakaibigan sila. Mas close sila sa isat-isa kumpara saamin. Kahit na mag-kakaibigan ang mga magulang namin ay hindi naman kami ganon ka-lapit. Tamang usap lang.

"Bro si Angelie." Nilingon namin si Angelie na papalapit sa table namin. As usual, naka suot ito ng pula. Pula head to toe. Mapang-akit ang suot niya. Hindi lumingon si Kuya ng makalapit na si Anglie at naupo sa tabi niya. Umalis ang mga kaibigan ni Kuya. Kami nalang tatlo ang natira. Mukha naman wala siyang pake sa presenya ko. Nag kunyari nalang ako na busy sa telepono.

"So I heard..." panimula ni Angelie. H'wag niyang sabihin na i-iyak siya? Ganon na ba talaga ka-lalim ang pag tingin niya kay Kuya kahit na minsan ay hindi man lang siya ni-lingon ng kapatid ko. Tulad ngayon, nakaka-titig lang siya sa baso niya. "You're getting married," bumuntong hininga si Kuya. "And I can sense you're not happy about it." Hinablot ni Angelie ang baso ni Kuya at ininom ang laman nito. Nagkalumbaba nalang si Kuya at tumingin sa malayo. Kawawa naman tong si Angelie.

"Who's the girl?" Nilingon siya ni Kuya. "Is she coming tonight?" Hindi sumagot si Kuya. Napangisi siya marahil siguro sa pagkanta ng banda sa harap.

Sakto-sakto ang kanta para kay Angelie. At, oo, para kay Angelie lang.

Why can't it be... why can't it be the two of us..

"No she's not coming." Malamig na sagot ni Kuya. Mula sa peripheral vision ko nakita kong umusog ng konti si Angelie sa gawi ni Kuya.

"What's her name?"
"Why would I tell you, Angelie?"

Natigilan si Angelie sa masungit na sagot ni Kuya. Natahimik siya. "So.. let me guess. Is it.. is it, Feather? Siya ba?" May pait at lungkot sa boses ni Angelie. Parang any moment ay bubuhos ang luha niya. Noon pa man ay malaki na ang inis ni Angelie kay Ate Feather. Lahat naman ata ng babae sa school. "Don't drag her name here." Tumayo si Kuya at naiwan si Angelie sa upuan. She's crying.

Sa palagay ko ay wala akong karapatan makita ang pag dadalamhati niya. Hindi man siya sineseryoso at madalas na hindi pansinin ni Kuya, babae padin siya. At ang mga babae ay hindi dapat pinapaiyak o sinasaktan.

Umalis ako sa table at nag tungo sa buffet table. Namataan ko si Anton na kausap sila Dad sa table nila. Sa palagay ko ay binibida na naman ni daddy ang manugang niya na magaling mag handle ng business.

Kumuha ako ng isang slice ng red velvet cake. Kukuha din sana ako ng pizza. Saktong isa nalang at cheese flavor pa ito. Pero bago ko pa ito makuha naunahan na ako.

"Finders keepers." Its Primo. Bahagya akong napa-atras dahil kumaskas ang balat ko sa leather jacket niya. Nag pabalik-balik ang tingin niya sakin at sa pizza. Tatalikod na sana ako pero nag salita siya. Hinarap ko siya. "How are you?" Hindi ko alam kung ano ang unang pag tutuunan ng pansin ang tanong niya o ang pabango niya na ang sarap amoy-amuyin.

".. your butt?" Napa kunot ang noo ko. Bumalik ako sa tamang pag iisip ng marinig ang huli niyang sinabi. Hindi ako nag salita at hinintay ang muling pag buka ng kanyang bibig "kamusta ang.. pwet mo? Masakit pa ba?" Casual niyang tanong. Klaro sa aking pandinig ang kanyang tanong. Pero hindi ko magawang sumagot. Bakit naman niya ka-kamustahin ang pwet ko? Sa palagay ko ay wala na siya dapat pake doon! Sinikap kong mag salita "Ayos na ako." Sagot ko ng hindi siya tinatapunan ng tingin. Tinusok ng tinidor ko ang bagong dating na pizza.

"Bakit kilala mo si, Eli?" Nilingon ko siya. Oo nga pala! Nag kita kami sa bahay nila. "Pake mo?" Nakagat ko ang dila ko. Bakit ko ba nasabi 'yon? Napalunok ako at muli siyang nilingon. Naka ngisi ito habang kumukuha ng isa pang slice ng pizza. "Ang sungit mo eh, noh?" Humugot ako ng malalim na hininga at tumalikod na. "But, I like it." Muntik na akong madapa habang naglalakad. Tatlong hakbang lang ang layo ko sakanya kaya malinaw sa teinga ko ang nadinig ko.

Kinuha niya ang huling slice ng pizza. Kinamusta niya ang pwet ko at gusto daw niya na masungit ako.

Parang nahihilo ako sa mga sinabi niya at bakit parang naiwan sa ilong ko ang pabango niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 28, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Unwanted Husband ❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon