2

199 8 11
                                    

Leon Anton Go

"Welcome home, Anak." My Mom almost jumped in excitement when Anton reached our door. Panigurado ko na kanina pa nag aantay ang aking butihing ina, hindi sakin kundi sakanyang manugang. Yuck gusto ko masuka talaga.

Anton and I lived in the same house even before we get married. Hindi lang kaming dalawa kundi kasama ang aming pamilya. Me my Mom and Dad. Well, hindi namin madalas kasama si daddy at kuya Z kasi nasa china sila, You know... business. Sa side naman ni Anton, kasama niya ang mga kapatid niya. Si Anya, Aya at Ayin. Triplets sila. Matanda lang si Anton sakanila ng 2 years. Anton's mom died right after maipanganak ang triplets. Ang daddy naman niya namatay sa car accident, year after Tita Agatha past away.

Limang taon palang noon si Anton at 2 years old ang triplets. Business partners ang family namin at malapit na family friend. Maging ang great grand lola at lolo namin ay mag kakaibigan. They're almost a family. Kaya nang maulilang lubos ang mga Go hindi nag atubili sila Mommy na kupkupin sila.

Nasa states ang relatives nila Anton that's why every summer ay nandon sila. They choose to live here with us since nandito ang major business nila. Chain of hotels and luxury resort ang business ng mga Go. Samantalang kami ay chain of shopping malls at Aviation.

Not to brag but we have enormous house but still it has a homey feeling kahit na malaki ito. Nanatiling buo ang mansion ng mga Go pero ayaw nila doon tumira. Maging ako ay ayaw kong pumupunta doon. Scary!

Anton and his siblings remained humble despite of all. Ganon din naman ako. We share the same values dahil pinalaki kami ng iisang babae. My mother. Kakit na hindi sila totoong anak ni Mommy ay mahal na mahal sila ni Mommy katulad ng pag mamahal niya samin ni Kuya. Kaya naman lumaking magalang ang mga kapatid ni Anton.

"Hindi ka ba napagod, Anton?" Tanong ni Mommy bago sumubo ng pagakain. Kumakain kami ng dinner ngayon. Katabi ko ang triplets. Si Mommy na nasa center at si Anton na nasa tapat ko lang.

"Medyo, Mommy. Grabe naman kasi ang mga fans ko." Nakangiting sagot niya habang ngumunguya ng steak. Sabay sabay na nanuya ang triplets at napa irap nalang din ako. "Bakit may nangyari ba?" Takang tanong ni mom. "Hinabol ako sobrang pogi ko kasi." Nag pogi sign pa ito at inayos kunyari ang kilay niya na sa sobrang kapal pwedeng hide out ng mga tropa niyang kriminal.

"Shut up kuya." Sabay sabay sa sabi ng triplets. Natawa naman si mommy sa kalokohan ni Anton. "Kailangan talaga sabay-sabay?" Umirap nalang ang triplets sa baliw nilang kuya.

Kahit na kasal at nasa iisang bahay lang kami ay hindi kami nag sasama ni Anton sa iisang kwarto. Dati mag katabi ang kwarto ni Kuya Z at Anton dahil bff sila. Ngayon na asawa ko na siya lumipat siya sa guest room na malapit sakin. Ni-renovate nalang para mag kasya ang mga sapatos at collector items na mga laruan ni Anton. But still we can't do that thing until I we're both on the right and mature age. Isa pa, ayaw pa ni Mommy maging Lola agad.

Hello? Makikipag divorce din naman ako.

"Hey, Ara.." yung feeling na isang hakbang nalang makaka pasok kana sa kwarto mo? May epal pang tatawag sayo. Boses palang nakaka inis na. Nanatili akong nakatalikod sakanya nang naramdaman kong nasa likod ko na pala siya.

Kaya naman bago pa niya hilahin ang buhok ko o kaya naman tukurin ako ay mabilis nakong humarap.

"Whoa! Easy!" Napa atras siya ng isang hakbang palayo sakin. Nagulat din ako sa lapit niya kanina kaya napa atras ako sa pinto ng kwarto ko. Damn it. Tumama ang likod ko sa door knob. Shit ang tulis pa naman non. Gusto kong mamilipit sa sakit pero mas pinili kong mag poker face kahit gusto ko ng sapakin si Anton sa mukha.

My Unwanted Husband ❌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon