Outside
Mabilis akong lumabas ng classroom pagkatapos ng last class ko. Dumiretcho nako sa likod ng school may pinto kasi doon palabas ng Perkins University.
"Sana hindi nila ako masundan." Bulong ko sa sarili ko na naka ngisi. Kasi naman halos mag iisang taon ko na itong ginagawa hindi padin ako nahuhuli ng mga guards ko na palaboy laboy lang sa school grounds. Pabor na din yon sakin na hindi sila naka sunod.
Lumingalinga muna ako sa paligid kung may mga tao ba. Mabuti naman at wala, well.. never naman talaga may naligaw na studyante dito. Safe din naman dito dahil puro puno at magagandang halaman. Wala din ccv camera dito. No distraction kaya masarap mag aral.
This is my haven.
Tutal wala naman akong kaibigan sa school na yan. Kaya humanap nalang ako ng sarili kong lugar. I mean, I know Anton is always around the corner pero may elite group of friends siya. Models, anak ng mga senators or business tycoons. Kilala ko sila at kilala din nila ako pero as nobody lang sa school. Wala din naman nakaka alam sa mag asawa kami ni Anton at kapatid ko si Z Chen. My brother is.. lets just say kinda.. famous sa school. Hmm.. because why not? Simula ata noong nag aral siya, lagi siya ang top student sa batch nila. Captain sa soccer team at president ng student council and too many achievements na wala ako.
Ang alam lang ng mga studyante dito ka apilyedo ko lang si Kuya. Nakaka tawa naman!
Nagsimula na ako mag lakad papunta sa madalas na pinupuntahan namin ni Eli, kaibigan ko siya from public university. Sabay din kasi kasi ng tapos ng school kaya madalas kaming pumunta sa park sa maliit nilang subdivision. Naabutan ko siya na naka upo sa bench may kausap siya na bata. Mga 10 years old siguro.
"Mabaho ba ako" tanong niya sa batang lalaki na naka takip ng ilong. Nakatingin lang ito sakanya at hindi nag sasalita. "Mabaho ba ako?" Tanong niya ulit. Umiling ang bata at mabilis na tumakbo sa mga kalaro niya.
"Eli." Pag tawag ko sakanya. Mabilis naman siyang lumingon sa gawi ko at napa ngiti ng malaki. Kita ko tuloy ang kulay pink na rubber ng braces niya.
"Ngayon ka nalang ulit nag punta dito friend!"
Naupo ako sa tabi niya.
"Ano naman at parang binu-bully mo ang batang iyon." Natatawa kong tanong. Natawa din siya sabay tingin sa batang nag lalaro na ngayon ng buhangin. "Eh kasi pag upo ko bigla nalang siyang nag takip ng ilong." Paliwanag niya.
Pinag masdan ko si Eli. Malinis naman siya at babaeng-babae kung kumilos. Simple lang siya, I guess simple lang din ang buhay nila thou hindi pa ako nakaka punta talaga sa bahay nila.
Eli has a shoulder length brown hair. May korte ang kanyang kilay at laging naka curl ang pilikmata. Natural na mapula ang mga labi niya at morena siya. Maingay siya madalas at pala biro. Kaya gusto ko siya laging kasama. Totoong tao!
"Huy, Ara! Nakatulala kana diyan." Tulak niya sa braso ko.
"Ay hehe. Sorry! Nagugutom na kasi ako. Tara fish ball tayo." Aya ko sakanya pero hindi siya tumayo. Nilingon ko siya pero naka ngisi lang siya sakin.
"Bakit?"
"Ano kasi.."
"What Eli?"
"B-brithday ko ngayon at may simpleng handaan sa bahay ngayon. Kung wala ka naman gagawin mag hapon--"
"Oo naman! Gusto ko pumunta," napa upo ulit ako sa tabi niya. Hindi ko mapigilan na matuwa! Ito ang unang beses na ma imbitahan ako sa birthday ng isang totoong kaibigan.
"Happy birthday, Eli!"
"Salamat, Ara."
Sumakay kami ng tricycle pauwi sa bahay nila. Ang sabi niya madalas ay nag lalakad lang siya pero baka mapagod lang daw ako kaya sumakamay kami.
Medyo malayo din ang bahay nila, ah! Paano niya na su-survive na everyday nag lalakad?
"First time mo?"
Tumango ako at natawa. Ito ang unang beses na makasakay ako ng tricycle at masaya pala! Masakit nga lang sa katawan dahil medyo lubak ang daan tapos tatama ang katawan mo sa solid na bakal. Ouch po! Madalas ay nauuntog pa ako.
"Dito nalang po."
Huminto ang tricycle sa isang bungalow na bahay. May tent sa labas ng bahay nila tapos may mga upuan doon. May nag vi-videoke din. Madami-dami na ang tao sakanila. Nahiya tuloy ako.
"Tara na. Wag kana mahiya."
Hinila niya ang kamay ko at dumaan sa mga tao na binabati siya. Pinakilala niya din ako sa mga tao don na hula ko ay mga kapitbahay nila.
Aware ako na napako ang tingin nila sakin. Naka suot pa kasi ako ng uniform ko. Alam ko ang nasa isip nila.
Happy 18th Birthday Eliana!
Natawa ako sa banner na naka dikit. Stolen picture kasi ito ni Eli habang kumakain ng naka kamay.
"Idea yan ni Kuya." Aniya niya ng mapansin niya na nakatingin ako sa banner niya. Palihin akong natawa.
"Ma!"
"Oh andito na pala kayo ni Ara,"
Nugulat ako na kilala ako ng Mama ni Eli.
"Madalas kang ikwento ni Eli, hija." Mahinhin niyang sambit. Malambing ang mukha ng mama ni Eli. Mag kamukha sila actually.
Ang hula ko ay mag kasing edad lang sila ni Mommy.
"Kumain na muna kayo. Eli, asikasuhin mo si Ara."
"Opo, Mama."
Habang nag aayos ng pagkain sa Eli naupo ako sa sala nila na hindi kalayuan sa dinning area. Simple lang ang bahay nila. May TV sa sala mga family pictures at trophies.
"Tara na, Ara!"
Nag simula na akong kumain ng mga putaheng ngayon ko palang matitikman. Mabuti nalang ata ini-explain ni Eli kung ang mga iyon.
"Wow pansit!" Di ko mapigilan na matuwa dahil kahit papaano ay may kilala akong pagkain.
"Pang pahaba ng buhay." Biro ko. Natawa naman siya. Muling tumugtog ang videoke kaya napalingo ako sa mga tao sa labas. Nag tatawanan sila at ang iba naman ay nakikisabay sa kumakanta. Maganda ang boses niya infairness! Hindi katulad sa sintunadong boses ni Anton.
Natawa tuloy ako.
"Hay naku, andito na naman ang kaibigan ni Kuya na ubod ng yabaaaaang!" Umikot ang mata ni Eli habang sinisilip ang lalaking kumanta. Naka talikod ito samin. Baka kapitbhay lang din nila. Naka jersey shorts kasi ito at naka t-shit lang na floral.
For a tall like him, really? Floral?
Pinag patuloy ko nalang ang pag kain ng huminto na siya sa pag kanta.
"Do you want more?" Sigaw niya sa mic. Humagalpak ng tawa ang mga tao sa labas kaya napatingin ako ulit sakanila. "Sobrang pogi ko, ganda pa ng boses ko." Lalong nag tawanan ang mga tao maging ang mama ni Eli ay tahimik na tumatawa habang nag sasandok ng pansit sa kusina.
Napapa iling at ngisi din si Eli. "Lagi talagang maingay yan. Kakainis!" Nakangising sabi ni Eli. "Sino ba--" nagulat nalang ako ng biglang may humagip kay Eli at nawala na sa harap ko.
"Ano ba, Primo! Baba mo ako! Hindi ka naman kasi invited ang ingay mo pa sa labas. Nakaka hiya sa bisita ko!"
Nalaglag ang panga ko nang mag tama ang mata namin. Natigilan din siya ng sandali pero ngumisi ulit siya ng malaki at patuloy na kiniliti si Eli.

BINABASA MO ANG
My Unwanted Husband ❌
Teen FictionHe's annoying He's hilarious He's the world biggest asshole He makes me want to scream He ruins my day and saves it at the last minute. He drives me crazy He's out of his mind I hate his guts but... He's every thing I want