CKAF 7: Jell-o Moments

203 7 1
                                    

CHAPTER VII

Don’t assume na dahil hahayaan kitang mag-walk out ngayon ay hindi mo na ako makikita pa, because that is impossible. Makikita mo ang mukha ko araw-araw kahit hindi ako physically present.

 

CHAVE

What had just happened? Hindi ko mapigilan ang ma-bad vibes. Buong magdamag akong nag-brainstorm kung papaano ko kokomprontahin si Nereus, isinulat ang mga pros at cons, ang mga epekto ng gagawin kong pag-o-open up, plus ‘yong pumapasok din sa utak ko ang samu’t saring magiging reaksyon ng mga classmates ko pati na si Yssa. Nakakabagabag.At ibinulsa ni Kerry ang dalawandaang ibinigay ko sa kanya para ibili ng bulaklak for Nereus? Okay lang naman na sabihin niya sa’king nagastos niya ang dalawang daan dahil na-out of money na naman siya o ipinambili niya iyon lahat ng paborito niyang toasted siopao, pero iyong fact na trinaydor niya ako? Goodness, at papaanong nasingit dito si Mr. Accident-prone-area?

Nakakainis talaga. Ayon sa source ko, nag-iisa at wala si Yssa ngayong araw. Kasama nito ang tatlong alipores sa Legazpi upang mag-boutique hopping. Ito na ang pinakaperpektong chance ko upang magpahayag ng saloobin ko kay Nereus. Tatlong buwan na ding hindi nagtatagpo ang landas naming dalawa. Bukod sa iniiwasan ko na ang kumain sa Jolibee, iniatras ko ng dalawang oras ang schedule ko ng pagsakay ng jeep pauwi ng East Coast.

Anong gustong palabasin ni Kerry? Ni Wayllon? I really deserve an explanation.

So I texted Kerry na iharap sa’kin ang pabling na lalaking ito. Mas inuna pa ang pangingialam kesa ang pagta-trabaho sa opisina.

Just so when I was about to send the message, nang may tumikhim sa harapan ko. Making me do a slow mo sa pag-angat ng aking mukha. Nakakapeste talaga.

“Wayllon, could you stop chasing me like a dog.”

“Look Chave. Ako na yata ang maituturing na pinaka-guwapong nilalang na makikilala mo sa mundo and yet you called me dog? Sige, patatawarin kita. But this will be the last time that time you will call me like that.”

“You deserve that. Matapos mong purnadahin ang pinaka-importanteg bagay na dapat kong gawin ngayong araw, sa tingin mo may dapat akong ikatuwa, sa tingin mo mag-la-laugh trip ako diyan sa joke mo?”

Mukhang tinamaan ito sa mga linya ko, nagbago ang aura ng mukha nito. He looked guilty. Better suit himself dahil walang kapatawaran ang kanyang kasalanan. But I was wrong, dinutdut lang nito ang sentido ko.

“Huwag ka ngang tanga. Alam mo na may girlfriend na ‘yong tao siksik ka pa ng siksik ka sa kanya. There are lots of fishes in the sea. Mas maganda pa ang klase sa kanya. He doesn’t deserve you. So utang na loob, huwag kang magalit kay Kerry dahil concern lang siya sa welfare mo.”

At ako pa talaga ang nagmukhang masama ditto. He walked away. ‘Yong totoo ako ang argabyado dito. Ang sakit kaya ang tawagin kang tanga. Pero ganoon nga ba talaga ako?

Tapos na ang klase ko, bitbit ko naman din na ang mga gamit ko. Mas mabuti nga sigurong tumambay na muna ako ng mall, maghintay doon ng dalawang oras ng dadaang jeep para makauwi na ako ng East Coast.

 Instead na sa VXI Mall ako tumambay, ang usual tambayan ko kasi madaming cheap items doon, ay sa Dionese ako pumasok not realizing na pag-aari ito ni Wayllon. Last na tuntong ko ng mall na ito ay six months ago. Hindi siya ideal na pagtambayan para sa’kin kasi isa akong dakilang tamad. Mas malayo ito sa paradahan ng jeep kaya hindi ako basta basta makakatakbo upang humabol ng isa kung sakali man na medyo late na akong lumabas dahil nawili sa mga displays sa loob.

Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon