CHAPTER XX
True love understands. You’ll have a fairytale coming. It’s okay that you cry today. And move on tomorrow. Life is like that, hindi lahat tawa, kailangan mo ring umiyak para ma-appreciate mo kung ano ba ang kahulugan ng salitang saya.
CHAVE
Three a.m., gising na ako. Napapansin kong masyado akong weird nitong mga nakaraang araw, pati pala ngayon, matapos kong magkapae at tutukan ang Math assignments ay pumunta ako sa veranda ng malaking boardinghouse namin, there I patiently waited for the sun to be born again.
It remind me that there is a beginning and an end, pero sa bawat gabing ating buhay, may araw na sisikat, at liwanag na tatanglaw para magpatuloy sa pag-ikot n gating mundo. Seriously, pwede na yata akong maging isang manunulat.
I raised my right arm and reached for the sun, feel its warmth. May kakaibang ligayang hatid iyon sa akin. Lalo’t lumalaban ang mga hamog sa damuhan sa ibaba gawa ng ulan kagabi.
“When did you resort to being an emo?”
Nilingon ko si Athene. She was smiling, I did the same. At talagang nagso-shorts na rin siya instead of pajama. Nagyaya siyang mag-goto sa Central. Eh,’di tinanong ko siya kung libre ba niya ako, ang kupal, lang pamasahe lang daw kaya niyang ilibre sa’kin which is seven pesos.
Sa Lina’s kami napunta. Marami-rami na rin ang taong naroon. Hinayaan kong siya ang pumila. Naghanap naman ako ng pwedeng pwesto and... binibiro ba ako ng tadhana?
Komedyante ako, hindi ako bagay mag-drama, ‘yon ang lagi kong sinasabi sa sarili. Pero bakit, parang ang hilatsa nang pagmumukha ko ngayon ay daig pa ang Diamond Star sa galing? Hindi pala sila nag-o-overreact.
Wayllon and Yssa? Yssa crying on Wayllon’s arms? What the heck is this? Hindi ako namamalikmata, am I? Kahit anong anggulo ay hindi ko mai-link ang mukha ng hitad na it okay Wayllon.
Gusto kong magwala, magbasag ng isang dosenang plato sa ulo ni Yssa. Ahas talaga ang palakang ito. Pero ano ba ang laban ko sa nag-u-umapaw na boobs nito?
I deserve a one whole sheet of an essay explaining why he has to betray my feeling for him? Ang kapal nang pagmumukha niyang halikan ako, i-torture ang emotion ko nang gabing iyon, na sabihing mahal niya ako? Pisti! Ang totoong pag-ibig, walang lokohan. Hindi naman siya hayop para magkaroon ng dalawang puso.
“I love you.”
Nabigla ako sa kanyang sinabi, hindi pa rin nga ako maka-get over sa lalim ng halik niya na first time ko rin.Heto at may bago na naman siyang pasabog.
“I love you. Yeah. I love you. I love you.”
Siyete. Bakit ganito kabilis magpalpitate ang puso at veins ko? Is he playing some kind of prank on me?
“Wayllon, give a minute to absorb everything.”
“Make it two minutes and say you love me too.”
Pareho kaming walang imik. Two minutes it is. And he kissed me fully on my lips for an approximate three minutes, hinga lang ang pagitan.
![](https://img.wattpad.com/cover/15137893-288-k852436.jpg)
BINABASA MO ANG
Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceA love story you would never forget. Live, cry and fall in love. This is not just another cliche story. "I could actually say, true love exists, just don't hurry it. A unique love story is being prepared for you by God. Wait for it patiently. Just w...