CHAPTER XXI
Ang totoong pag-ibig, ‘yong hindi isinusuko. My only regret is that I assumed na hindi kami worthy sa isa’t isa, well not totally coz it made our love story more colorful.
CHAVE
It’s been ten days, parang walang nangyari. But for me, the passing weeks are curse. Metal ang lasa ng pagkain ko, hindi ako nakakaramdam ng gutom, pati ang lessons ay hindi masyadong rumerehistro sa kukote ko.
Pareho pa rin ang mukha ng mga classmates ko, only Yssa was a changed woman, may band aid ito sa ilong at bigla’y nagpalit ang preference nito sa damit, old English na ang peg niya.Pinipilit nitong kausapin ako, even asked for forgiveness. I gave her a poker face. Hindi pa ako handing kausapin siya. I’m so thankful na may dalawa akong kaibigan na umaalalay sa akin who were always checking kung ayos lang ako o ano.
Lumilipas ang araw, pero para sa akin, walang pinagkaiba ang paglubog at pagsikat nito. Hindi na rin ako comedienne, mas preferred ko ang mag-isa, makapal na eyeliner at bangs na lang ay mababansagan na akong emo.
Kailan ba ako lalaya sa feelings na ito. Every once in a while, gusto kong umiyak. Minsan nga gusto kong umiyak na lang nang umiyak but sadly, I’m running out of tears.
Abala sa gymanasuim. Muntikan na nga akong masagasaan ng truck na naghahakot ng sound system at lights, may magpe-perform na artista, ‘yon ang kumakalat na tsismis. Wala akong interes, mapa-James Reid man o Joseph Marco iyan, hindi ako makikipagsiksikan para makihiyaw. Free admission for the first five hundred students na makakakuha ng ticket. I really don’t show any interest. Samantalang si Athene at Kerry ay hindi paawat sa kakabunganga tungkol sa ganda at excitement ng darating na show. Ako dead ma lang.
“Girl, pikit ka dali!” I just rolled my eyes, kunwari ay nagre-review sa Accounting.
“Ayoko.”
Dahil ayaw ko, tinakpan ng pagkahigpit higpit ni Athene ang mata ko, may inilabas ito. Isang mamahaling gown. Gold iyon, mukha siyang may slacks na may puff sa likod, katulad nang mga English old gown na fit ang bodice.
“You bought it? Mukhang pang-mayaman!”
“Nope, ni-rent lang naming iyan sa palengke, hindi genuine ang sequence kaloka ka, Php. 300.00 lang ‘yan. Kaya sasama ka sa’min ngayong gabi para manood ng show.”
“Are you serious? Ito ang isusuot ko?”
“Oo, sosyal ang theme ‘di ba? Rich and sexy. Don’t worry may gowns din kaming dalawa…” Magpo-protesta sana ako. “Huwag ka na kasi mag-inarte, heto’t ipinaglaban ka na namin ng patayan para magka-ticket ka lang.”
What else should I do? Tama nga naman, papatayin ko ba ang sarili ko dahil after that confrontation ay hindi man lamang nag-abalang kontakin ako ng lalaking iyon? So I have been insane and blank for almost fourteen days?
“Hindi pa ba kayo maliligo at mag-aayos? It’s seven thirty, anong oras ba magsisimula ang show?”
“Nine. Teka, why so sudden naman ang interes mo?” Tanong ni Athene.
Minsan talaga hindi ko matimpla ang laman ng utak ng mga kaibigan ko. “Kanina lang halos ipagduldulan n’yo sa’kin ang gown, ngayon namang nakapagdesisyon akong sumama, para namang ayaw n’yo. Ano ba talaga, kapatid? Eh sa nanawa na ako sa pagmumukmok. Perhaps I should steal some glances sa abs ni Joseph Marco if naroon man siya.”
BINABASA MO ANG
Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceA love story you would never forget. Live, cry and fall in love. This is not just another cliche story. "I could actually say, true love exists, just don't hurry it. A unique love story is being prepared for you by God. Wait for it patiently. Just w...