CHAPTER IX
Our eyes met, it lingered for several seconds. There was a fire on that glance, agad kong binawi ang aking mga titig. Why were his eyes smiling?
Chave
Ang sarap ng pakiramdam ko. Hindi ako makapaniwala na si Nereus ang muntikan nang makabangga sa akin kahapon. And to my surprise, binuhat niya pa ako at dahil akala niya’y sarado na sa boarding house ay dinala niya ako sa kanyang apartment at sa couch ito natulog sa labas samantalang ako ang nagpasasa sa mabango nitong higaan.
Hindi ko talaga lubos na mapaniwalaan ang nagdaang eksena kagabi. Papasa na itong scene ng isang telenobela. Nereus carrying me to his car, rushing it back to his apartment. This may seem awkward but I love him not taking advantage of the situation. Naramdaman kong nanghihina ako at kung may tangka man siyang hindi maganda ay tiyak na wala akong laban. At saan naman kaya nanggaling ang iisipin kong iyon.
“Gising ka na ‘ba?” Biglang bumukas ang pinto.
Nakapikit pa rin ako at hindi ko alam ang gagawin ko. “Nereus?”
“Enough dreaming of that bastard you lazy head. Nakakapikon ka na.”
Bigla akong napamulat at bumagon ora-orada. “Wayllon, anong ginagawa mo dito?” Nakakatakot ang kanyang aura. Something dark. Bigla akong nahawak sa kumot na puti at nagtalukbong. Nakakagulat, why am I waering an oversized white shirt?
“I’ve got no choice kaysa naman mamatay ka sa katatawag sa Nereus na ‘yon. Don’t stare at me like I raped you. I don’t have a single interest with you.”
Bakit parang nasaktan ako sa parteng iyon imbes na magpasalamat. Siya ang lalaking muntik ng makabangga sa akin kagabi and not Nereus.
“Why do you hate Nereus so much? May kasalanan ba siya sa’yo at ganyan ka-intense ang galit mo sa kanya?
“Hindi ako galit. I was just fuming on the way you act so obsessed with that guy.”
Fuming? Such intense word? Bakit naman siya mag-fu-fume? Hindi kaya…hindi kaya, na-fall na siya sa akin? Pero. Muli kong itinutok sa kanya ang aking mata. The dark aura was still on his face, salubong pa din ang kilay nito. Ang kinauupuan nito’y kawawa naman, he’s such a big burden to it. Mukhang dito nito ibinuhos ang lahat ng sama ng loob nito. Ang cute naman niyang magselos.
Pero bigla na namang umentrada ang kontrabida kong inner thought: ‘Wag ka ngang assumera, palaka ka! Kaya ka napapahamak, kaya dugo dugo iyang puso mo sa kasawian eh. Isa ka kasing malaking assumera!
Imbes na masaktan ay na-challenge pa ako sa sinabing iyon ng inner thought ko. Akala niya bababa ang self-esteem ko? No way! Sa ganda kong ito.
Kahit bahagya akong naiilang ay pinilit kong makipag eye to eye sa hombreng ito. May kalokohang biglang pumasok sa utak ko. Hindi ko na inalala ang bahagya pang pagkirot ng ulo ko. “You are falling me, aren’t you?”
Kitams, natameme siya ng ilang segundo. Halatang na-caught off guard.
I was just challenged kaya biglang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig ko. But honestly, hindi ko alam kung paano magre-respond. Paano nga kung umiibig na siya sa’kin? Would he pursue me despite na alam niyang si Nereus ang gusto ko. Guguluhin niya din ba ako? Maging kontrabida din kaya ito sa pag-iibigan naming dalawa ni beybilabs Nereus? Naku po, napakalaking problema naman nito!
“Falling? Are you dreaming of hooking me up, Chave?”
Napakurap ako, Malabo ang pagkakarinig ko dahil abala ako sa pagche-chase ng thoughts ko. “I’m sorry?”
BINABASA MO ANG
Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceA love story you would never forget. Live, cry and fall in love. This is not just another cliche story. "I could actually say, true love exists, just don't hurry it. A unique love story is being prepared for you by God. Wait for it patiently. Just w...