CHAPTER XIII
How would I kiss you if we have an audience?
WAYLLON
Takot umuwi si Chave dahil sa banta ng kanyang parents. Isama mo na natakot din siya para sa’kin. Her father threatened to chase me with a butcher’s knife but looking at what was outside this car is not a threat but a ‘welcome to the family’ celebration.
Of course, kinakabahan ako. Paano kung sapilitan akong ipakasal sa anak nila. Alam naman natin sa probinsya, touch-move. Na somehow I was secretly fond of. I am afraid of the time where Maria Clara will be just part of the Philippine myth. Good thing, we have so called province.
Kung ikakasal lang din naman ako, maiging iyong tipo ni Chave. But this is not what I should think. Hindi nga ba’t ako ang nag-alok na maging pretend boyfriend niya para maging sila ni Nereus? I have seen him, and heard enough of him. But I was afraid too for Chave, paano kung ang hindi nga naming inaasahan ang mangyari. Papaano na ang pangarap nito. Hindi ba’t kaya siya pinipilit na papagtapusin ng kanyang parents eh para makaahon sa hirap.
Well, thinking na mayaman ikaw, ang mapapangasawa moay isa ring mayaman. That thought does not justifies the means. Kapag ipinanganak kang mahirap at nakapagtapos ka, isa kang pride ng pamilya, at swerte kang maituturing dahil inaasahan na ikaw ang aahon sa kanila mula sa hirap and marrying someone just to help them raise from their current situation is a hurt. Lalo’t hindi maiiwasang pag-uspan ka ng buong nayon.
So kung ganoon ang prinsipyo ng pamilya ni Chave, ano pa nga ba ang ipinangangamba ko?
Ini-off ko ang makina ng nagpuputik na kotse. Once again, I stole a glance at her. She seemed nervous. Nauna akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Inalalayan ko rin siyang bumaba at pinagtulungan naming ibaba ang gamit niya, ang bag ko ang ilang bags ng grocery.
Pansin ko nanginginig si Chave. Akmang hahawakan ko siya but she hissed like a snake, pabulong pa nito ang ni-threaten, “Oras na makita nilang hinahawakan mo ang kamay ko, orangejuice! Wala na akong kawala. Ikakasal nila ako sa’yo sa ayaw ko’t gusto.”
“Hooking in a marriage with you will be the mother of all nightmares,” I joked. But I assumed she took it all seriously. Hindi ito umimik.
Nagdadabog na nauna itong naglakad papunta sa kanilang bahay. Kani-kanina lang, halos atakehin na siya ng nervous breakdown tapos ngayon nauna pa sa akin? This lady made me amuse every single second.
Narinig ko pa ang sinabi ng Nanay na I guess was Chave’s mother. “Bakit mo iniwan ang boypren mo?”
“Hayaan mo siyang maulanan diyan sa labas ‘ma.”
Nagmano ito sa mga nadaanang kalalakihan. Napakunoot noo ako when a guy hold her hand at pumasok na ang mga ito sa loob. Mabuti na lamang at lumapit sa akin ang nanay niya. Nagmano ako sa kanya.
“Ke gwapo mong bata. Hindi ako magtataka kung bakit ka naging boyfriend ng anak ko.”
“Ah, eh, bakit naman po?”
“Anong bakit? Siyempre, maganda iyang si Chave. Siyempre ang pareha, eh dapat na guwapo din. Maswerte nga’t ikaw ang natipuhan. Ano nga ulit ang pangalan mo?”
“Wayllon ho, ‘nay.”
Like mother like daughter talaga.
BINABASA MO ANG
Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)
RomansaA love story you would never forget. Live, cry and fall in love. This is not just another cliche story. "I could actually say, true love exists, just don't hurry it. A unique love story is being prepared for you by God. Wait for it patiently. Just w...