CKAF 8: Dreaming In Rains

204 7 0
                                    

CHAPTER VIII

Dati na akong patay, patay na patay sa’yo.

WAYLLON

For the first time in the four years na naging pormal akong parte ng kumpanya, ngayon lang ako nahirapang tapusin ang paperworks ko. This gets my nerves looped. Ano ba kasing nangyayari sa akin?

Tuluyan ko ng isinara ang laptop ko. Tiningnan ang kabuuan ng library na pribado, walang ibang pwedeng pumasok doon kundi ako lang o ang nakatokang maid para linisin ang mga shelves. Na para bang iyon ang unang pagkakataong nasulyapan ko ang kabuuan niyon.

It was Saturday, and in few seconds ay Linggo na. I sipped the coffee na nangangalahati pa sa tasa, it was perfectly cold. Inisang higop ko iyon. Muntikan ko na itong maibuga ng may kumatok sa pintuan. Si Mama.

“Anak, balak mo talagang i-culture iyang eyebags mo? Magpahinga ka na muna. Papaano na ang ka-gwapuhan mo. Hindi ba’t nangako kang bibigyan na ako ng apo ngayong taon?”

“Ang labo naman yata ng koneksyon ng eyebags sa apo, ‘ ma.” Tumayo ako upang iligpit na ang mga librong ginamit ko, ibinalik ko iyon sa shelf, and I turned my laptop off. Tama si Mama, kailangan ko din ng pahinga.

Nasa labas pa si Mama at hinihintay ako. Napaaray na lamang ako ng pingutin niya ang tenga ko. Ganyan maglambing si Mommy, brutal.

“Anong wala. Nakakabaog kaya ang sobrang pagpupuyat.”

Tumawa ako. Si Mama  talaga kahit kailan. “At saan mo naman nakuhang internet site ‘yan ma? Madami ka nang apo sa labas, maghahanap ka pa ba? Baka ang kita ng Dionese eh maubos lang sa pampers ng mga apo mo. Aray naman.”

“Hindi ko kailangan ng bastardong apo. Naku, isusumpa kita. Magdala ka dito ng matinong babae, pakasalan mo, bigyan mo ako ng sandosenang apo.”

“Ma, naman, alam n’yo namang hindi iyon kadali katulad ng pag-go-grocery hindi ba?”

“Dalhin mo nga rito minsan iyang si Chave. Gusto kong maka-tsikahan ang batang iyon. Wala na kaming mapag-usapang bagong topic ni Yaya Cely mo. Sa Sabado kaya?  Tama. Imbitahan mo siyang dito magbabad sa bahay. Mag-lunch, dinner, overnight.”

Patay tayo diyan. Naku, bakit ba kasi nabanggit kong minsan kay Mommy si Chave. Tawa nga ito ng tawa no’ng minsan ay nai-kwento ko sa kanya na tinawag akong Accident-prone-area ng babaeng nabunggo ko at napagkamalan ko pang fan girl ko.

“Ma, busy iyon sa pag-aaral. We can’t just…”

“Pakiramdam ko’y siya ang nakatadhana sa’yo. I honestly don’t like Yssa. I visited her Facebook account, wala na yata akong ibang makitang post kundi mga selcas. Better change your standard hijo.”

“My, don’t judge Yssa. She was more beautiful and likely when you get to face her.”

“Si Chave ang gusto kong dalhin mo dito.”

Patay tayo diyan. Bakit napakadaldal ko these days? Ngayon alam kung hindi na naman ako nito titigilan hanggat hindi nito nakukuha ang gusto nito. Naku, this is a big problem.

***

            Kumain kami sa labas ni Yssa nang sumapit ang Linggo. An hour drive from Legazpi was extended for a few more minutes dahil sa unexpected na pagbuhos ng malakas na ulan. Mabuti na lamang at nakarating ako sa kanila sa tamang oras. Napakaganda talaga niya. She was simple yet beautiful. Simple lang din ang suot niya. Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya.

            Iginiya ko siya naka-reserve na table para sa amin. The place was just perfect for the two of us. Hindi crowded at solemn ang dating, nasa pinakadulo kaming bahagi, malayo sa karamihan. Nakakatuwang magkadikit ang aming mga braso.

Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon