CHAPTER XVIII
Pero what if siya ang para sa’yo? What if hindi si Nereus? Well, love works unexpectedly. If it is meant to work for the two of us, let it work.
CHAVE
Maaga akong nagising. Earlier than usual. Marahil dahil aware ako na nasa ibang bahay ako at nakakahiyang isipin na mas nauna pa sa’king bumangon ang maybahay. Matapos kong maghilamos at tapunan ng tingin ang nahihimbing pang si Wayllon ay bumaba na ako at diniretso ang kusina.
Naroon si Yaya Mely. “Yaya, ano ho iyan?”
“Iha, ang aga mo namang gumising alas cuatro y treinta pa sana. Nagkaturog kang marayray?
“Ah opo. Maayos naman po ang tulog ko. Ano po iyang niluluto ninyo? Cocido de buco na maraming malunggay. Ito ang gustong gustong ilatag sa hapag kapag may ubo o sipon si Wayllon.”
“Tulungan ko na ho kayo.”
“Naku iha. Patapos na ito, kwento ni Wayllon eh, marunong ka raw mag-beyk nin cake.”
“Ah, opo. Bakit po?”
“Baka gusto mong guluhin ang kusina, maraming sangkap diyan, baka kako gusto mo kaming patikimin.” Itinuro niya ang akin ‘yong estante.
“Yaya, may oranges ba tayo dito?”
“Naku, wala. Sandali, ilan ba ang kailangan mo’t i-te-text ko ang Manong mo. Nasa palengke iyon sinamahan si Atsay.”
“Kahit isa’t kalahating kilo lang po, para may mapagpilian tayo.”
Habang naghihintay, ako na rin ang umako ng pagpi-prito ng hotdogs at nangsinangag na rin. Ipinagtimpla ko si Yaya ng kape, gumawa na rin ako para sa akin. Ang eksenang iyon ang nadatnan ni Tita Dionese. Opo, tita na ang tawag ko sa kanya. Self-proclaimed na close kami.
“Coffee po?”
“Sure, iha. No sugar please, double the creamer.”
Naupo ito sa harap ng magulong mesa. Iniabot ko ang tasa sa kanya. Pinalitan ko ng takuri ang frying pan. Saka muling humarap sa mesa para ayusin iyon.
“You’re perfect for my son. Mabuti’t ikaw itong napiling dalhin sa bahay. Kung nagkataong ang babaeng puro boobs na iyon ang binitbit niya. Baka ipinatapon ko silang dalawa palabas ng mansyon. Ikaw ang kauna-unahang babaeng dinala niya sa bahay. And that’s means you are very special to him.”
Ngumiti lang ako. Napakahirap mag-pretend. Maraming naloloko.
Matapos kong lagukin ang huling patak ng kape’y nagpaalam akong papanhikan ng almusal ang anak nito. Tumango ito at ngumiti.
“I am wrong with what I am thinking. It’s not you, it’s him who’s lucky to have you.”
Para akong timang, wala na akong ibang maisip gawin kundi ang ngumiti nang tipid. I can’t find the proper words to respond to her. Gusto kong kiligin sa mga sinasabi nito, imagine, walang sampalang naganap at botong boto siya sa akin para maging katipan ng kanyang anak. Siguro nabighani siya sa kakaibang fashion statement ko.
Ni-wave ko na lang ang kamay ko tanda na pupunta na ako sa itaas, saka nagmadaling binitbit ang tray.
Orangejuice! Nakakahimatay na talaga ang mga pangyayari. Muntikan pa akong maligo sa bitbit kong agahan dahil sa pagmumuni-muni. Mabuti na lamang naambunan ako ng skill ni Jet Li.
BINABASA MO ANG
Choco Kiss and Fairytale (Soon To Be Published Under LIB)
RomanceA love story you would never forget. Live, cry and fall in love. This is not just another cliche story. "I could actually say, true love exists, just don't hurry it. A unique love story is being prepared for you by God. Wait for it patiently. Just w...