4. Jealousy? Wala namang tayo.
It's been a week since kumain kami sa resto na pag-aari nina Erick. And one week narin kaming hindi nagpapansinan ni Sandoval 'd asungot.
"Aira, what's taking you so long? Bumaba ka na! Kakain na tayo!" Rinig kong sigaw ni ate na sinabayan ng malalakas na katok.
"Opo ate. Bababa na ko." Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin.
Naalala ko nanaman yung pagpunta namin ni Sandoval sa resto. Hay, Erick.. Walang asungot na nangungulit sakin at wala akong adonis na mastalk ngayon dahil sa nakita ko. Great! Wala akong pinagkakaabalahan ngayon. Napabuntong hininga na lamang ako.
Nakikita ko ang Aira na may magandang mata, pero malungkot.
Nakikita ko ang Aira na may magagandang labi pero nakasimangot.
Anong meron sakin? Why am I acting like this? I'm so weird. This is so not me!
Sinukbit ko ang bag ko at bumaba na para mag-almusal.
"Oh, baby? Bat ang lungkot mo?" Nabaling ang tingin nilang lahat sakin. Umiling lang ako at hindi na sila pinansin. I just really don't wanna talk about it.
"Hey! Ariel! Parang ewan naman 'tong kapatid ko. Halika na rito. Hug ka ni kuya Aldrich." Lumapit sakin si kuya at binigyan nga ako ng isang mahigpit na yakap. "Hm! Bat malungkot yung bunso namin? Si Erick ba yan? Nako! Ipapamassacre ko yang lalaking yan! Wag ka ng malungkot, bunso." He kissed me on the top of my head habang yakap niya parin ako. "Sabi ko kasi sayo, bata batuta, kay Dwayniel ka na lang." Itinulak ko siya papalayo sakin at saka dumiretso nalang sa kusina.
"What's wrong, baby?" Bakas sa mukha ni kuya Allister ang pag-aalala. Inilingan ko lang siya.
Umupo ako sa silya at inisip kong anong kakainin ko. Sa dinami-dami kasi ng pagkaing nasa mesa, wala akong mapili.
"Cereal, baby gusto mo?" Tumango nalang ako at hinayaang si kuya na lang ang kumuha ng cereal.
Nagsalin siya ng gatas sa bowl at saka nilagyan ako ng cereal.
"Ako maghahatid sayo ngayon ah?" Tinanguan ko nalang siya. "Kumain ka na dyaan at magbibihis lang si kuya ha?" Hinalikan niya ako sa noo at umalis na sa hapag.
"Hija, mia, bakit? Anong drama mo be?" Bakit isa-isa silang nagsisidatingan? Naiinis na ako ah! "Hoy! Kinakausap kita! Bakit?" Tumingin ako sa kanya ng walang kaemo-emosyon. "Bakit nga? Si Erick? Ipapatapon na ba natin sa dagat? Kapag di mo sinabi, ikaw ipapatapon ko."
"Hindi ate. Wala lang ako sa mood kasi masama panaginip ko kagabi." I lied. She arched her brow.
"Anong napanaginipan mo?"
Nag-isip ako ng pwedeng... "Nakalimutan ko na nga ate e. Pero basta masama. Wag na nating pag-usapan." Nakarinig ako ng isang boses sa labas.
"May surprise ako sayo, bunso!" Kuya Aldrich. Para siyang tanga na shineshake ang hands niya mula sa entrance ng dining area habang pumapasok si Sandoval. "Ladies and gentlemen, Dwayniel Clyde Sandoval!" Masigla niyang magpepresent. Tinignan ko lang si Sandoval na walang kaemo-emosyon. "Oh ayan, partner mo! Bagay kayo! Nakasimangot kayo. Actually, 1 week nang nakasimangot tong isang to e. Ay nga pala, sasabay daw satin si Sandoval." Bakit? Ay hindi, kasama ko si kuya Allister e. At may sariling sasakyan si kuya Aldrich. We won't be using the same car.
"Ihahatid raw ako ni kuya."
Nakiupo naman sila sa dining table at nakisalo.
"Hey guys!" Bati ni kuya Allister na nakipag fist bump kay Sandoval. Nakabihis na siya.
BINABASA MO ANG
Able to Love Me |On-going|
RomansaNothing hurts more when you realize that she meant everything to you while you just meant nothing to her. Why can't she like me as much as I want her? Is there really a chance? Could it be possible to have 50.9% possiblity that she may be able to l...