LI:CHAPTER 3

4.1K 91 6
                                    

𝑻𝑨𝑯𝑰𝑴𝑰𝑲 ang Clox University dahil oras ng klase ngayon, dalawang araw ng mahigpit at ang pagpapalakad sa school nitong mga nakaraang araw dahil sa pag dating ng may ari ng school na si Kyd.

naguusap ang CLOX sa kanilang meeting place, o mas tinatawag na "CLOX HOUSE" 

"Kyd seryoso kaba sa ginawa mo kay Alonzo, hanggang ngayon hindi pa nakakabalik" gayon na lang ang pag aalala ni Zean at Leo sa inutusan ni Kyd na si Alonzo.

'Maya maya lang ay narito na yon, makikita niyo' ani ni Kyd sa isip.

Hindi na pinansin pa ng kaibigan ang tatlong kaibigan at lumabas ng sala.

KYD POV

Hindi ako mapakali, hindi naman ako ganito,  the hell i care about that girl?
Panira at patpating babae lang naman siya, napakahirap pa, kulang nalang mahirap pa sa daga.

"Pinuno? Diba papasok na tayo dapat kahapon? " nagulantang si Kyd sa biglang nagsalita na si Cael

"Kanina ka pa diyan? " kabadtrip iiwasan kona magkape, napapadalas na ang nerbyos ko.

"Oo pinuno" ba't di ko man lang naramdaman tong mokong na to?

"Yung babae, anong klase bang buhay meron siya? " tanong ko na ikinataas ng kilay niya.

"Sino? Ah….. Yun bang-?" pinutol kona ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pag tango.

"Ah hindi ko alam pero ang sabi ng Private investigator natin na isang kahig isang tuka lang yon, totoo nga pinuno wala kang mapapala don mukhang hirap na sa buhay wag mo na pahirapan" mahabang sambit ni Cael . hindi naman ganon kalaki ang kasalanan niya sakin kaya sige hayaan ko nalang.
At isa pa kaibigan niya naman ang pinsan ko.

"Umalis kana, lalabas muna ako" walang emosyon at blankong sabi ko

"ingat pinuno"

Napag isipan kong pumunta sa MCDO hindi para kumain kundi para puntahan si Alli at si Caohmi magkapatid silang palaboy na palagi lang nasa mcdo.

Hindi pa nagtatagal nakarating na siya sa tapat ng MCDO nakita niya agad ang nakangiting dalawang bata na kumakaway sa kaniya

"Kuya Tyd" sabi ng 6 na taong gulang na si Caohmi

"Kumain na ba kayo? " umiling si Alli na siyang 9 na taong gulang.

"Pumasok kayo kakain tayo" ani ko at agad na ikinatuwa nilang dalawa.

Nag punta ako sa Cashier para umorder ng makita kong muli si Pitscha Rain, naka suot ng uniforme ng staff ng MCDO

Oras ng klase bat nasa trabaho itong babaeng to?

"Good afternoon sir, welco-ikaw? " sigaw niya na nakaagaw ng atensyon ng mga tao. Tsk ngayon lang nakakita ng gwapo.

"Oo ako, u should know how to entertain your customer properly" sabi ko, umismid siya at inirapan ako.
Mahirap lang pero ang tapang.

"Hindi ka kasi dapat inieentertain, oo nga't tinulungan moko pero ang sungit mo" sabi niya habang nagsusuplada, ang daming sinasabi.

"Bat ka nandito oras ng klase ngayon? " tanong ko na ikinagulat niya, pakelam ko nga naman sa kaniya

"Aba, kelan kapa nagkaroon ng pake sa iba? " tanong niya, pinitik ko ng bahagya ang noo niya 

"Di tayo magkakilala, we're not even close " malamig na sagot ko nalang.

𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon