DAHAN dahang iminulat ni peyang ang kaniyang mga mata ng masinagan siya ng sikat ng araw, inilibot niya ang tingin sa mala palasyong kwarto ng mahagip niya ang naka dekwatro habang nagkakape na si Kyd
"thanks, you're awake" malamig na sambit ni Kyd at ibinaba ang kape sa katabing table, dahan dahan ang paglapit nito kay Peyang ng sa ganon ay mainis niya ito
"HOY! WAG KANG LALAPIT ANONG GINAWA MO SAKIN? " sigaw ni peyang ng mapansin na iba na ang suot niyang damit
Tuluyang nakalapit si Kyd sa kaniya at umupo sa kama
"Muntik ka ng marape, kung wala ako baka wala na yang dignidad mo" blangko nitong sagot na ikinakaba ng dibdib ni Peyang.
'Ano? A-ako mara-rape? Pa-pano? ' nanatiling tahimik ito ng dahil sa sinabi ni Kyd, hinila ni Kyd si Peyang para makalapit sa kaniya,
"Alam mo bang absent tayong dalawa dahil sayo" madiin na sambit ni Kyd kay Peyang,
'Nasasaktan ako, pero salamat'
"BAKIT SINABI KO BANG ILIG-tas mo a-ako"akmang tatayo sana si Peyang ng bigla siyang tumumba alerto namang siyang nasalo ni Kyd
"Magpahinga ka muna, may proposal ako sayo mamaya, ikukuha muna kita ng pagkain, ng mag kalaman naman yang katawan mo" hindi na hinintay pa ni Kyd ang sagot nito at tuluyang lumabas ng kwarto.
Muling inilibot ni Peyang ang kaniyang Mata sa kwartong iyon ng mapansin niya ang bukas na pinto.
'Luh, may kwarto sa loob ng isa pang kwarto? '
Dala ng kyuryosidad ay pinasok niya ito ng walang sabi sabi, namangha siya sa loob ng kwartong iyon, punong puno iyon ng pambabaeng gamit at Black& Pink na dekorasyon.
Sa sobrang mangha ay inikot niya ito'Anong klaseng lugar to? Ang ganda, sa buong buhay ko ngayon palang ako nakakita ng ganito' manghang manghang nakatulala si Peyang sa Kwartong iyon. Pumasok naman siya sa Walk in Closet at napansin ang magagandang damit pambabae na naroroon,'may kapatid bang babae si Kyd? ' tanong nito sa isipan, may kumislap na kung ano sa kanyang mata na pinangalinan ay nakapatong doon sa tapat ng salamin, nilapitan niya ito at nakita ang isang malaking kahon.
"Ano naman to, ang ganda ganda, may panirang ganito" nakita niya ang maliit na singsing
"Wow ang ganda, maisukat nga ibabalik ko naman sorry Mr. Engot" ng maisuot ay namangha siya ng tuluyan..."Pitsch nasan ka? " dahil sa kaba, hindi niya maalis ang singsing sa kanyang daliri, dahil na din hindi naman sukat sa daliri ang singsing.
"Why are you here? " inis na tanong ni Kyd 'ang engot na to, bigla biglang pumapasok'
"Ginala ko lang tong bahay mo" ani ni Peyang at nilagpasan si Kyd
"Kwarto palang to" malamig na sabi ni Kyd.
"A-ah ganon , a-ang yaman mo pala ta-talaga ano? " nauutal ito dahil sa sinabi ni Kyd.inilahad ni Kyd ang pagkain at siya namang sinungaban ni Peyang dahil sa gutom.
Nag ring ang Cellphone ni Kyd kaya lumabas muna ito at kinausap ang tumawag.
"Grabe ngayon palang ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain, thankyou lord" masaya niyang sabi, sa hindi inaasahan ay napansin na naman niya ang sing sing na pilit niyang hinuhubad kanina pa, nakikita niyang nagiiba na ang kulay ng daliri niya pero hindi pa din matangal ang singsing.
Napatalon naman siya sa kama ng nagmamadaling pumasok si Kyd, ngunit nanataling kalmado lang ang mukha nito.
"Pitsch, i have a bad news for you" naningkit ang mata ni Peyang sa narinig mula kay Kyd 'pasurprise ayaw pang ituloy' walang narinig si Kyd kaya ipinagpatuloy nalang nito ang pagsasalita
"Patay daw yung tita mo, may naganap na barilan sa inyo " nanlambot si Peyang at nangilid ang luha sa mata
'Tangina, san ba ako swe-swertehin sa buhay ko'
BINABASA MO ANG
𝗟𝗢𝗩𝗘 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗥𝗨𝗣𝗧𝗜𝗢𝗡
Teen Fiction"𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗸𝗮 𝗧𝗮𝗹𝗼 𝗸𝗮" Ang lahat ng inyong mababasa ay kathang isip lamang, kung sakaling may mababasa kayong mali ay sorry po, hindi po ako professional na manunulat, salamat, -this story is all about; Peyang(Pitcsha Aet...