Bella's POVdalwang linggo na ang nakalipas simula nang magusap kami ni Cathy, marami na rin ang nagbago kahit alam kong okay na kami pero nandun parin yung sakit, ngunit di naman namin iyon ginagawang big deal, kaya hanggang sa makakakaya ko ay magiging okay na talaga ako sakanya.
Madalas na tumatawag sakin si Cathy, pagminsan naman ay napunta siya dito, nakakapagkwentuhan naman kami, nakwento niya rin sakin na may nagtetext sakanya at ang sabi pa niya ay napapagaan nito ang loob niya.
SINO NAMAN KAYA YUN?, BUTI NGA SIYA, MAY MACCOY NA MAY ADMIRER PA.
hayyss. inalis ko sa isip kong sakanya na si Maccoy dahil sabi nga ni Cathy ay hindi yun date at naniniwala naman ako dahil syempre kaibigan ko yun at alam kong di siya magsisinungaling.
alam ko din naman na hindi makakagusto si Maccoy kay Cathy.
Pero pano nga kung totoo?
Naisipan kong puntahan si Anne sa bahay niya, siya rin kasi yung nakakadamay ko kapag wala si Cathy.
*Calling Anne*
"Anne?" bungad ko.
[oh? napatawag ka?musta ?walang paramdam ah]
" ahaha pasensya na nagkaron ng slight problema e haha kwento ko sayo mamaya, ahmm nasa bahay ka ba ngayon? tara sa mall?"
[ahh? o sige sige haha. tara, si Cathy ba sasama?]
"sige, ahh hindi kasi may gagawin daw siya ngayon"
[sige antayin kita]
"I'll be there in a minute"
at binaba ko na ng phone call.
tinext ko muna si Cathy na pupunta kami ng mall, pumayag naman siya.
ilang minuto pa ay nakarating na ako kay na Anne, nagbihis lang siya at madali lang kaming nakapunta sa mall.
"Magshoshoping ba tayo?" sabi ni Anne
" ahh ikaw bahala, pero okay lang kung maguuli tayo, ikukwento ko narin sayo ang mga nagyayare"
naglalakad na kami ngayon.
" sige sabihin mo na"
ikunwento ko at halatang nagulat si Anne, nagsabi rin siya ng advice narin.
naisipan naming bumili muna nang pagkain, nakapagkwentuhan na rin kami.
Ilang oras palang ang nakalipas, naguuli parin kami.
naisipan na naming umuwi, naglalakad na ako ngayon papasok ng village namin, medyo malayo pa yung bahay namin at kung idedscribe ko itong village na ito, madaming dikit dikit na bahay at marami ding magkakahiwalay, masasabi kong maganda ang view dito at malalaki ang mga bahay kaya marami ang natira dito.
Nasabi rin pala ni Mommy na may bago ng nakatira sa katabi naming bahay, matagal nang lumipat iyon sa tabi ng bahay namin pero di ko parin sila nakikita siguro dahil palagi akong nasa loob ng bahay at palagi akong naalis.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko papunta sa bahay nang biglang.
NAKITA KO SI MACCOY?!
namamalik mata ba ako?! kinusot ko ang mata ko at sinampal ng mahina ang pisngi ko pero gising talaga ako!!
Magkakasalubong na kami pero di niya pa ako nakikita kasi parang may katext siya sa phone niya.
ANONG GINAGAWA NIYA DITO SA VILLAGE?! DI KAYA PINUNTAHAN NIYA AKO PERO NALAMAN NIYANG WALA AKO DUN?!
TSS ASSUMERA KA BELLA!!
dali dali akong nagtago sa likod ng puno, buti nalang at hindi pa siya nakakalapit saakin ng magtago ako.
nakita kong ngumiti siya habang nagtatype sa phone niya, sinilip ko yung phone niya at nakita kong may katext nga siya, pero di ko makita kung sino ito.
E BAKIT BA AKO NANGENGEALAM?! TSK.
nakita kong nakalayo na siya kaya tumakbo na ako papunta sa bahay, agad kong isinara ang pintuan at natulala habang napabuntong hininga naman ako.
ANO BANG GINAGAWA NIYAA DITO?!
tinawagan ko si Cathy .
*Calling Cathy*
[tsk. o hello? haha. musta bat napatawag ka?! nagtatype pa ako e mareplyan lang si Pogita bigla ka namang tumawag hahaha.]bungad niya
"ahmm pasensya na haha. pero may sasabihin ako sayo haha, di ako assumera pero nakasalubong kong palabas ng village namin si Maccoy"
[whaaaaattt] nagulat na sabi niya
" oo tapos may katext siya sa phone niya, syaka bakit siya pupunta dun? at bakit siya umalis agad? nakita ko rin siyang galing sa direksyon ng bahay namin, wag ka matatawa huh pero pakiramdam ko pinuntahan ako ni Maccoy sa bahay? posible naman yun diba dahil kaibigan niya rin ako? uy pakiramdam ko lang ha."tuloy na tuloy na sabi ko.
[oy ha, di mo sinasabi sakin na nagdadate na kayo ha?! ayiee] kinikilig na sabi niya
"anong date ka diyan?!haha. di pa nga sure na pinuntahan niya talaga ako e.pero aminin ko kinikilig ako hahaha"
[ ayieeeee hahaha]
at nagtuloy tuloy ang paguusap namin.
ilang minuto pa ay umakyat na ako sa kwarto ko para magisip haha. wala lang kinikilig lang ako!
di ko maitago ang ngiti sa muka ko, pero naisip ko na baka di naman ako ang ipinunta niya dito, masyado akong nakapagiisip ng mga bagay na malabong mangyare.
inalis ko ang pagiisip ko ng ganun kaya naman nakita kong gumagabi na kaya nanood nalang ako ng tv at maya maya pa ay kumain na ako ng dinner pagkatapos noon at naligo ako at ginawa ko ang routine ko as always.
pinatuyo ko ang buhok ko at nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Wrong Love[ONGOING]
Dla nastolatkówTatlong magkakaibigan na Nahulog at Na inlove, pero pasaan patungo pa nga ba ang pinaninindigan nilang pagaaral muna bago Boyfriend? masisira na nga lang ba yun sa isang pagkakamali? o sa isang Pagkahulog ng loob? ngunit dapat bang ipagpatuloy pa i...