U - 12

2.6K 29 0
                                    

SIERRA'S POV


Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Napatingin naman ako sa tabi ko, wala si Zac. I took a glimpse sa bedside clock, it's 7 in the morning na pala. Medyo napagod ako, oo. We did it again and again and again last night. Parang nagiging addict na kaming dalawa.


Biglang tumunog ang cellphone ni Zac, bumangon ako at tiningnan kung sino yung tumatawag.



And it's Deb. Ginawa kong silent ang phone nya.


Naghilamos ako 'saka nagbihis. Lalabas na sa ako pero kinuha ko nalang yung cellphone ni Zac para ibigay sa kanya. Baka importante din kase at na-gi-guilty ako para kay Deb.


"Good morning love!" bati sa akin ni Zac.


Agad ko naman syang niyakap ng mahigpit 'saka bumitaw. "Good morning love."


Ngumiti ito. "Kain na tayo, we'll have some adventure later." sabi nito at umupo ako.


Bigla kong naalala yung cellphone nya kaya kinuha ko ito sa bulsa ko.


"Sya nga pala, phone mo. Nakita ko kaseng tumatawag si Deb. Baka importante. Alam nya bang umalis tayo sa bahay?" nag-aalala kong sabi.


Ngumiti ito 'saka hinawakan ang kamay ko. "Hindi nya alam na nandito tayo. Ang alam nya lang ay naiwan ka doon at ako naman bumalik sa kompanya to fix something."


"Paano kapag malalaman nya?"


"I already told her that we should end our relationship. You know what, let's just enjoy our moment here love." he said to comfort me.



Kaya kumain na kami ng agahan. Pero nag-aalala parin ako. Paano kung malaman ni Deb? Paano kung sugurin nya kami dito? Hindi ko talaga alam ang umiikot sa isipan ni Zac pero sana maayos na. Wala naman akong balak agawin si Zac sa kanya, hindi ko ginustong mahulog pero hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako dahil sa mga ginagawa nya. Zac was the first one to notice me, sya din yung taong unang nakinig sa mga saloobin ko. And he's the first person who make my heart flutter.


Sana ganun lang kadali. Nagdadalawang isip parin kase ako. Baka hindi naman talaga ako mahal ni Zac, he's just attracted to the idea na ako ang magbibigay sa kanya ng anak. Na baka naisip nya lang na gusto nya ako dahil mabibigyan ko sya ng anak at si Debora ay hindi. Pero kung tutuusin naman ay anak naman talaga nila ito ni Deb, babayaran lang ako. Bakit ang gulo na ngayon?


Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko si Zac, na kahit ganito ang sitwasyon namin ay mahal ko parin sya. Na kahit patago kami sa ilang tao ay okay lang. laking tuwa ko nga nung pinakilala niya ako sa mga magulang nya. Pero naaawa ako kay Debora. Nalaman ko rin na pinapasundan pala sya ng kanyang ama, naghire ito ng personal investigator na magmamanman kay Zac at may mga larawan nila ni Debora sa mga art exhibits. 


It happened the night nung party. Pagkalabas ko ng CR ay dadaan na sana ako sa sa hallway pero nakita ko at narinig ko ang usapan nilang mag-ama.


"I'm glad hindi totoo ang mga usap-usapan."


"Na ano, dad?"


"Here." sabay abot ng isang envelope kay Zac. "This picture of you and a gay at some art exhibits. She's so clingy. Okay lang sana ito e, pero nung inalam ko ang profile nya nagulat ako na bakla sya. Son, please wag na wag kang makikipagrelasyon sa ganyan. It's really a shame in my part and in our image. Okay na kahit sinong babae, wag lang bakla anak. I am glad you bring Sierra, I cleared my mind to the accusations of some people na nakakita sa inyo."


I saw Zac's reaction na para bang nabuhusan ng malamig na tubig.


"Dad, it's true na may naka-fling akong bakla but hey it's not my fault. Akala ko kase babae sya. But hindi naman kami nag workout, and as you can see I have now Sierra. I can say she's really the girl for me. I was just broken nung time na iniwan ako ni Pia, you know how devastated I was. And then I her for awhile. But dad, you don't need to worry."



"I'm glad you've already moved on from Pia and I'm also glad you've found someone." he tap Zac's back and they part ways.


Ang gulo lang talaga. Pero sabi ng ni Zac, I'll enjoy this moment. After namin kumain ay naghanda na kami para sa lakad namin.


Atat na atat si Zac umalis dahil kanina pa sya nasa baba at nag-aantay sa akin. Hindi kase ako makapili ng susuotin ko. pero since nasa Baguio naman kami ay nagsuot nalamang ako ng medyo makapal baka kase ginawin ako.


Pagkababa ko ay dumiretso na kami sa sasakyan nya.


"Sa'n ba tayo ngayon?" tanong ko sa kanya habang nagse-seatbelt.


"Sa Burnham park."



"Hala! Talaga?" bigla namang nagliwanag ang mga mata ko.


"Yep."


"Alam mo sa TV ko lang talaga yan nakikita. Nakaka-excite. Gusto ko din puntahan yung location ng movie ni Julia Montes at Gerald Anderson, yung halik sa hangin."


He pat my head. "I see another side of you today. You look like a child." sabi nito sa akin habang ngumiti ng malapad.


Natawa naman ako. "Ngayon lang kase ako naging ganito kasaya Zac."


"And it's my pleasure to make you happy. I'm glad I'm the reason why you are smiling."


Buong byahe ay nagsoundtrip kami 'saka kumakanta. We share the same type of music, mga OPM songs. Hindi ko alam na 'tong lalakeng 'to ay mahilig pala sa mga Pinoy music. And then I suddenly feel so happy, na para bang nag slow motion yung mundo ko. Yung tumatawa lang kami, yung ang saya-saya naming dalawa. And I am really the feeling. Unti-unti na talaga akong nalulunod.


When we reach at Burnham Park, agad akong hinila ni Zac. At ang sabi nya gagawin namin lahat ng outdoor activities na ino-offer ng Park. Natawa naman ako sa sinabi nya. I feel like once a kid again, pati si Zac. Habang pinagmamasdan ko sya ay natatawa ako sa kanya. Para syang hindi 30 years old, para lang syang bata. 



How I wish we can stay like this.

Sierra : The Baby Maker (R-18/SPG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon