Chapter 25: I LUH YAH PAPI

11.4K 111 21
                                    

I LUH YAH PAPI>>>> Wala akong naisip na ibang magandang title dahil isiningit ko lang ito habang nagwo-work, gift ko for the successful #ASHMATT Blockscreening. Congrats guys!

 

 

---------------------------------------------------------------

 

Matt’s POV

 

Hawak-hawak ko ang kamay niya habang papasok kami sa bahay nila. Hindi naman ako pasmado pero nung mga oras na yun, parang may water supply yung mga kamay ko.

Sarah: Love, relax... ano ba?! (Asik sa’kin nito).

Matt: I’m absolutely fine.

Sarah: You’re fine? Eh parang naninigas ka na diyan.   

Matt: You know I always do, when I’m with you... (Sabay taas-baba ng kilay ko dito).

 

I said that to ease the tension that’s really sneakin’ inside me.

Sarah: Matt!!! (Sabay hampas nito sa braso ko).

 Tumigil ka nga muna diyan sa sobrang pagka-green mo! Behave please...

 

Tinawanan ko lang siya.

 

Sarah: Matt, ano ba?! Hindi ka ba aayos? (Seryosong sabi nito nang malapit na kami sa pintuan nila).

Matt: Sorry Love... this is my way to relax. I’ll behave promise... (Sabay himas sa braso niya, bilang paglalambing ko dahil mukhang nainis talaga siya sa sinabi ko).

 

-------------------------------------------------

Pagpasok namin sa loob, si Ate Cheng niya na nakaupo sa may sala, ang unang nakakita sa amin.

Ate Cheng: Andiyan na pala kayo, dun daw tayo sa may garden magpapa- SUTUKIL si Daddy.

Sarah: Tara... (hila nito sa kamay ko)

 

Pero ni hindi ko maihakbang ang mga paa ko.

Tama ba ang pagkakarinig ko? Magpapa-“shoot to kill” ang Daddy niya?

Bakit parang casual na casual lang yun nang sabihin ni Ate Cheng?

Akala ko ba kakausapin lang? Bakit naman “shoot to kill” kaagad?

Sarah: Uy... ano bang problema? (Untag nito sa’kin).

Dinadaga ka na ba?

Matt: Love... ‘pag mali ako ng sagot sa kanila? “Shoot to kill” kaagad?

Sarah: Ha?! Ano bang pinagsasabi mo?

Matt: Sabi ni Ate Cheng, magpapa-“shoot to kill” daw si Daddy mo.

A peek on their real life (looking through their eyes)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon