Surprise house plan

83 0 0
                                    

Hindi makapaniwala si Ralph sa babaeng nasa harap nya ngayon.

Si Maxene. Ang kanyang ex girlfriend.

Looks like you're surprised son. pagsisimula ng kanyang ina

Nag-beso si Maxene kay Lani. Hello po tita pasensya na po kung na-late ako, traffic po kasi. Kamusta na po? Long time no see. sabay ngiti nito at tumingin kay Ralph. Hi Ralph, nice meeting you again.

Hija umupo ka muna, it's okay kahit anong oras welcome ka naman dito e. Manang Lucia, pakibigyan naman ng maiinom si Maxene. sabi ni Lani

Parang wala sa sariling nakatingin si Ralph sa ina hanggang sa mabalik na ito sa sarili.

Bakit sya andito ma? pagalit na sabi ni Ralph

C'mon Ralph, just calm down pwede ba? pinapunta ko kayo dito dahil gusto ko kayo ulit ang magtayo ng bahay namin ng papa mo. Rest house lang namin sa Batangas. sagot ni Lani sa anak

Sa Batangas po tita? Yung sinasabi ko po sainyo dati? patuwang tanong ni Maxene

Oo hija, balak ko sana dati na ipatayo sana yun para sa inyo kaso hindi naman kayo ang nagkatuluyan. palungkot na sagot ni Lani at hinawakan ang kamay ni Maxene

Hindi na kaya ni Ralph ang nangyayari sa kanya ngayon. Hindi nya aakalain na magagawa sa kanya ito ng kanyang ina. Kaya agad siyang tumayo at sinabing,

Hindi ko tatanggapin ang project Ma. Humanap nalang kayo ng ibang ka-partner ni Maxene. Sige ma, alis na ko. sabay alis ng bahay ni Ralph at hindi na inantay pa ang sasabihin ng ina.

Magbabago din ang isip nya. sabi ni Lani kay Maxene habang nakatingin sa pintuan na pinaglabasan ng anak.

Tita, hindi nyo naman po siya kailangan pilitin e, marami po akong ibang kakilalang engineer dyan, tska isa pa baka po magalit si Carissa. sagot ni Maxene

At bakit naman magagalit ang babaeng yon? Ako na nga ang magbibigay ng trabaho sa asawa nya tapos sya pa ang may ganang magalit?! pagalit na sabi ni Lani sabay higop ng kape

Don't worry hija, I'll find a way para pumayag si Ralph. I'll call you again kapag na settle na ang lahat. dagag na sabi ni Lani kay Maxene habang nakangiti na parang may masamang binabalak

Pero tita..

Maxene, it's all just work. Okay? pagputol ni Lani sa sasabihin ni Maxene

Sige po tita, mauna na po ako, magkikita pa po kase kami ni mommy e. sabi na lang ni Maxene dahil wala na syang magagawa sa desisyon ng ina ni Ralph

Sige, ikamusta mo na lang ako kay Nina, at pakisabe na dumalaw naman sya dito. pangiting sabi ni Lani

Okay po tita. at bumeso ulit ito kay Lani at umalis na

---

After 10000000years nakapag update na din!:D comment naman kayo guys! I wanna hear your reaction bout my story, para maayos ko yung mga susunod na chapters! click the favorite button kung nagustuhan nyo po. thankyou!:)))

My Lover, My MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon