Hi mare! Happy anniversary sainyo ni Ralph! Akalain mo yun pang 6 na taon nyo na to! sabay tawa ng bestfriend kong si matet.
Ayan kana naman Matet, tara na nga sa loob dun tayo magkwentuhan.
Ako nga pala si Carissa, asawa ni Ralph, ngayong araw ay ang 6th anniversary namin, kada anniversary namin ay hindi namin nakakalimutang i-celebrate ito para sa ganoon ay mas tumibay pa ang aming pagsasama.
Hindi na naman ba sila pupunta Carissa? Grabe ah napakasupportive na in laws yan! sabi sa akin ni Matet.
Ang kaibigan ko lang na si Matet, ang kaibigan ni Ralph na si Kevin at ang anak naming si Jr ang kasama naming nagcelebrate, ininvite din namin ang parents ni Ralph kaso hindi sila nagpunta. Hay, sanay naman na ako skanila, kada may okasyon dito sa bahay, hindi sila pumupunta, pwera nalang sa bday ng anak nila.
Napaisip ako at tumingin kay Ralph na kausap si Kevin. Wag na naten isipin yun, pero umaasa pa din ako balang araw. tara tikman mo yung niluto kong adobo. pangiti kong sagot kay Matet.
Oo inaamin ko, ayaw nila sa akin, tutol sila sa naging relasyon namin ni Ralph, napakahirap kasi mismong apo nila na si Jr, hindi nila kayang matanggap. Pero ganun pa man, ang pagmamahal nalang sakin ni Ralph ang siyang pinanghahawakan ko.
Sige Carissa at Ralph, mauna na kami, Happy anniversary ulit sainyo! sabay yakap sa akin ni Matet.
Oh basta pare iextend nyo nalang ang celebration hanggang mamayang madaling araw ah? sabay tawa ni Kevin.
natawa nalang ako sa sinabi ng kaibigan ni Ralph.
Haha, oo naman pare makakaasa ka! sige magkita nalang tayo sa susunod. sabi ni Ralph kay Kevin at umalis na din sila.
Sobrang saya naming mag asawa ngayon.
Goodnight Mama at Papa! i love you po. palambing na bungad sa amin ni Jr.
Sige anak matulog kana sa kwarto mo at may gagawin pa kami ng mama mo. nakangiting sagot ni Ralph habang nakatingin sa akin.
Umayos ka nga. nakangiting sagot ko kay Ralph at hinalikan na lang ang aking anak.
---
Hahaha. Grabe ilang oras ko pinagisipan yan.
Sana po magustuhan nyo. ='>>>
