Ralph's side

98 1 0
                                    

Pagtapos magwalk out ni Ralph sa bahay ng kanyang mama ay pumunta agad ito sa kaibigan, kay Kevin.

"ano pare? seryoso ka? ginawa ng mama mo yun sayo?" anya ni Kevin sabay abot ng beer kay Ralph

"grabe pare, hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ni mama, ayaw na nga nya sa asawa ko e tapos gumagawa pa sya ng paraan para magkasama kami ni Maxene." galit na sabi ni Ralph

"ayun na nga pare e, ayaw na nga ni tita kay Carissa kaya ginagawa nya sayo to, alam mo namang gustong gusto ni tita si Maxene para sayo. kulang nalang dati e sya na mismo mag ayos ng kasal nyo." patawang sabi ni Kevin sabay inom ng beer

"e anong balak mo ngayon?" dagdag pa nito

"syempre hindi ko tatanggapin yung inaalok niya, may iba pa namang trabaho dyan e. tska alam ko namang may binabalak si mama na hindi maganda." sagot ni Ralph sa kaibigan

"ang sabihin mo Ralph ayaw mong tanggapin yung trabaho kase nahihiya ka kay Maxene, dahil sa nangyari dati. At isa pa, natatakot ka kase baka mahulog ka sa bitag ng mama mo, haha. baka mainlove ka ULIT sa ex mo." panunuksong sabi ni Kevin kay Ralph

uminom si Ralph ng beer at sinabing "pare, yung tungkol dati, humingi na ko ng tawad kay Maxene, oo nagalit sya pero pinatawad naman din nya ko at si Carissa e. Maliwanag na ang lahat noon pa. At dyan sa sinasabi mong bitag, hindi mangyayare yun, mahal ko ang pamilya ko. ayokong mawala sila saken."

"talaga lang pare, alam mo kase minsan may mga bagay na kahit okay na e, yun pala hindi pa. Na kahit lumipas na yung taon e andun pa yung kurot, haha. drama e no?" pailing na sabi ni Kevin

"tumigil ka na nga sa mga teorya mo, sumasakit lang ulo ko sayo. sige alis na ko susunduin ko pa si Jr e." sabi ni Ralph bilang pagtatapos ng usapan

--

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Lover, My MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon