Bestfriend

95 0 0
                                    

Maya maya pagkaalis ni Ralph ay dumating si Matet upang bisitahin ang kaibigan na si Carissa.

Tuwing day off nito ay laging itong bumibisita sa kaibigan upang sa ganoon ay may makausap naman ito sa bahay.

Sa trabaho ito nagkakilala at naging magkaibigan pero kahit na nagresign na si Carissa ay patuloy pa din ang kanilang komunikasyon. Si Matet din ang isa sa mga ninang ni Jr.

Matet, siguro kelangan ko na magtrabaho ulit. Iniisip ko kase si Jr e. bungad ni Carissa habang naghahanda ng makakain.

Nagpaalam ka na ba sa asawa mo? Di ba sabi nun ang anak nyo nalang ang pagtuunan mo ng pansin? kaya naman ni Ralph ah? sagot ni Matet

Ewan ko ba Matet pero gusto talaga ng katawan ko na makapagtrabaho ulit e. Syempre hindi ko naman papabayaan ang anak namin. Ayoko lang kase na lagi nalang ako nandito sa loob ng bahay, baka mabaliw ako. sabay tawa ni Carissa at inabot ang juice sa kaibigan

Haha, baliw ka naman talaga e ano ka ba? teka san ba project ng asawa mo ngayon? dagdag na tanong ni Matet.

Wala pa nga e, pumunta sya ngayon kila mama may sorpresa daw sa kanya. Siguro may iooffer na project kay Ralph. sagot ni Carissa

Ay nako carissa, pag ang nanay nun ang nagbigay ng trabaho sa anak nya sigurado kabahan kana baka may binabalak na yun na iba. pagbibintang ni Matet

Napaisip si Carissa sa sinabi ng kaibigan. Naisip nito nung huling nag patayo si Lani ng bahay ay kinuha nitong engineer si Ralph at naging katrabaho nito ang kanyang Ex-girlfriend. But that was more than 10 yrs ago, hindi pa nagiging sila Ralph at Carissa. Kaya naman isinawalang bahala nalang nito ang naiisip at sinagot ang kaibigan.

Lukaret ka talaga, kung anuano naiisip mo, basta ako may tiwala ako sa asawa ko. Kumain nalang tayo..

At nagpatuloy na sa paguusap ang magkaibigan.

--

I hope you like the flow of my story!:))

pasensya na po. baguhan lang!

My Lover, My MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon