Maxene's POV about the house plan

85 0 0
                                    

Pagkauwi ko galing sa US ay nagbonding muna kami ni mommy, sobrang namiss ko sya. Pagkaraan nun ay tinawagan ko na si tita Lani tungkol nga dun sa trabahong inooffer nya sa akin.

"Hello tita? ako po ito si Maxene. andito na po ako sa Pilipinas, kelan po tayo pwede magkita para mapagusapan yung tungkol sa inooffer nyo saken?" tanong ko sa kanya

"well that's great hija welcome home, if you're free tomorrow then come here at our house at 10am okay? see you then." sagot naman nya sa akin

"ok tita bye."

kinabukasan ay naghanda na ako para pumunta kila tita Lani.

"mum can I use your car?" tanong ko sa mommy ko, ayoko kase magcommute, medyo hassle kase

*drive.drive.drive*

Sa wakas andito na ko. Almost 2 hours ang byahe ko, traffic kase.

Bababa na sana ako ng sasakyan ng makita ko yung lalakeng bumaba din sa car nya at pupunta sa bahay nila tita Lani, hindi ako pwede magkamali, si Ralph nga yun. Hindi pa din sya nagbabago. Gwapo pa din tulad ng dati. Nung nakita ko siya parang lahat ng saya at sakit ng naramdaman ko noon ay bumalik. Ang lakas ng tibok ng puso ko.

Hindi muna ko bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan ko muna siya hanggang sa makapasok sa bahay ng mommy nya.

Agad kong naisip, hindi kaya't parte din si Ralph sa trabaho na ibinibigay saken ng mommy niya? Kaya bumaba na ako ng sasakyan.

*dingdong!*

Pagkapasok ko sa kanilang bahay ay nabungaran kong magkausap sila Ralph at tita Lani. masaya akong sinalubong ni tita Lani habang si Ralph naman ay parang nakakita ng multo sa pagkagulat sa akin.

"Looks like you're surprised son" sabi ni tita Lani kay Ralph bilang pagsisimula

Bumeso ako kay tita Lani at sinabing, "Hello po tita pasensya na po kung na late ako, traffic po kase. Kamusta na po? Long time no see." sabay ngiti ko sakanya at tumingin ako kay Ralph, grabe ang lakas ng tibok ng puso ko, pero kinausap ko na din siya. "Hi Ralph, nice meeting you again."

"Hija umupo ka muna, it's okay kahit anong oras welcome ka naman dito e. Manang Lucia pakibigyan naman ng maiinom si Maxene." sabi sa akin ni tita Lani, ang bait pa din ng trato nya sa akin

Napatingin ako kay Ralph, ang sama ng tingin nya kay tita Lani, parang ayaw nya na andito ako.

"bakit sya andito ma?" pagalit na tanong ni Ralph sa kanyang ina

"c'mon Ralph, just calm down pwede ba? pinapunta ko kayo dito dahil gusto ko kayo ulit ang magtayo ng bahay namin ng papa mo. Rest house lang namin sa Batangas." sabi ni tita Lani kay Ralph

Nagulat ako sa sinabi ni tita Lani, hindi ako nagkamali sa hinala ko kanina, magiging magkatrabaho kami ni Ralph. Nagulat ako nung sinabi din nyang sa Batangas gagawin yung resthouse.

"Sa Batangas po tita, Yung sinasabi ko po sainyo dati?" patuwang tanong ko

"Oo hija, balak ko sana dati na ipatayo sana yun para sa inyo ni Ralph kaso hindi naman kayo ang nagkatuluyan." palungkot na sabi ni tita at hinawakan ang isa kong kamay

Ako ang unang nakadiskubre nung lugar ng pagtatayuan ng bahay sa Batangas, sinabi ko iyon kila Ralph, mommy at tita Lani. Sobrang ganda kase nung lugar, sobrang presko ang hangin at ang ganda ng view.

Nagulat nalang ako nung nagsalita si Ralph, "Hindi ko tatanggapin ang project Ma, humanap na lang kayo ng ibang ka partner ni Maxene. Sige ma, alis na ako."

tuluyan na ngang umalis si Ralph, hindi nya nagustuhan ang plano ng mommy nya. nakatingin lang ako sa pintuan kung san sya lumabas.

"magbabago din ang isip nya" sabi sa akin ni tita Lani

"Tita hindi nyo naman po sya kelangan pilitin e, marami po akong kilalang ibang engineer dyan, tska isa pa baka magalit si Carissa." sabi ko na lang kay tita Lani

Kahit na gusto kong makatrabaho si Ralph, kelangan ko pa din galangin ang desisyon nya. Iniisip ko na din yung kay Carissa. Oo galit ako sakanya, pero that was more than 6 years ago. Nakapag move on na ako. Siguro

"At bakit naman magagalit ang babaeng yon? Ako na nga ang magbibigay ng trabaho sa asawa nya tapos sya pa ang may ganag magalit?" pagalit na sabi ni tita Lani

Pati si tita Lani, galit din kay Carissa. Sobra yung pagtutol nya dati nung nalaman nya na si Carissa na pala yung girlfriend ni Ralph. Hindi ko naman ineexpect na hanggang ngayon e sukdulan pa din ang galit nya dito.

"Don't worry hija, I'll find a way para pumayag si Ralph, I'll call you again kapag na settle na ang lahat." dagdag pa niyang sabi

"Pero tita...." may sasabihin pa sana ako kaso pinutol na iyon ni tita Lani,

"Maxene, it's all just work okay?"

Ganyan si tita Lani, kapag may gusto sya, talagang gagawan nya ng paraan, hindi nalang ako tumutol sa sinabi nya. Trabaho lang naman iyon e.

"sige po tita, mauna na po ako, magkikita pa po kase kami ni mommy e." sabi ko sa kanya

"Sige ikamusta mo na lang ako kay Nina, at pakisabe na dumalaw naman sya dito." pangiti nyang sabi sa akin

"Okay po tita." at bumeso ako sa kanya at umalis na

Habang pasakay ako ng sasakyan iniisip ko, sana tuluyan ng hindi pumayag si Ralph, ayoko na siyang makita pa, lalo na ang makatrabaho. May parte ng puso ko ang galit sa kanya, dahil sa ginawa nya sa akin, lubusan ko siyang minahal pero nauwi lang lahat ng iyon sa wala.

--

another update for this day! next will be ralph and his friend Kevin!

vote and comment pls! lovelots!♥

My Lover, My MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon