After 6 years ng pananatili ko sa America, makakauwi na rin ako sa Pilipinas, nagpasya akong umuwi dahil sa gusto ko ng makita ang mommy ko, nakakadalaw sya sa akin sa america pero nagsstay lang siya dun ng ilang araw, tapos balik Pinas na din dahil sa business nila ni tita Lani.
habang nagiimpake ako ng mga gamit, biglang nagring ang phone ko.
Hello? Who's this? tanong ko sa tumawag sa akin
Hija, ako to, ang tita Lani mo. kamusta kana? balita ko uuwi kana dito sa Pilipinas this week, kinwento sakin ng mommy mo kaya nalaman ko.
Si tita Lani pala yun, siya ang ina ng ex boyfriend ko, si Ralph. Sobrang close kami dahil bestfriend niya ang mommy ko. Simula pagkabata ko ay kilala ko na siya at si Ralph. Kaya naman sobra ang pagkatuwa niya nung nalaman niyang naging boyfriend ko ang anak niya. Pero sobra din naman siyang nalungkot nung naghiwalay kami, kasabay noon ang sobrang galit niya kay Carissa.
Tita kayo po pala yan! okay lang po ako dito, opo andiyan na po ako ng Lunes, nagiimpake na po ako. sagot ko kay tita Lani
That's good to hear hija! may favor sana ako sayo, since wala ka pa naman sigurong work dito sa Pilipinas, I'm giving you a chance to have this one. patuwa niyang sabi sa akin
pasimple akong natuwa at sinabing, talaga tita? of course hindi ko po tatanggihan yan!
Sige hija, pagkauwi mo dito just text me kung kelan ka magiging free ha? para naman makapaghanda ako. sagot sa akin ni tita Lani
Sure tita I'll call you again. bye. sabay baba ng phone ko
Natuwa talaga ako sa pagtawag sa akin ni tita Lani, binigyan niya ako ng trabaho. Gusto ko kasing laging may ginagawa lalo na yung pag dedesign ng mga buidings. Oo, architect ako. Ako din yung nagdesign dati ng bahay ngayon nila tita Lani. kapartner ko pa nun si Ralph.
Pero nagtaka ako, ano kaya yung trabahong ibinibigay niya sa akin?
nagulat nalang ako nung tumunog yung phone ko, si mommy pala nagtext, See you soon. love you
si mommy talaga napaka sweet sa akin, hay, pagpapatuloy ko na lang tong ginagawa ko.
--
nakapag update agad! wohoo, kahit walang nagvote or comment man lang :(((((
next will be maxene again. that will be her POV naman. thanks guys!