Called by her mother

103 0 0
                                    

Goodmorning honey ko breakfast is ready! masiglang bati ni Carissa sa bagong gising na asawa.

Goodmorning din hon, pumasok naba si Jr?

Oo honey, kani kanina lang. umupo kana dyan at ipaghahanda kita ng almusal.

Ipinaghanda nya ito ng kape, sinangag, tuyo at itlog. ayan ang paborito nyang agahan.

Nga pala honey, ppunta ako kila mama ngayon, tumawag sya kanina e, may sorpresa daw sya saken. gusto mo ba sumama? tanong ni Ralph

Wag nalang siguro honey, baka masira ko lang ang araw ng mama at papa mo. Alam mo namang makita lang nun ang mukha ko e parang umuusok na ang mga ulo nun sa galit.

Natawa si Ralph at hinawakan ang kamay ni Carissa. Wag ka magalala honey, pag punta ko dun susubukan kong ayusin yung relasyon nyong dalawa. malay naten eto na yun diba?

Natutuwa si Carissa sa kanyang asawa dahil hindi nya basta pinagsasawalang bahala ang relasyon ng kanyang asawa at magulang.

Sana nga honey, para naman sa ganoon e matanggap na din nila si Jr, ayoko na kasi ng ganitong sitwasyon e.

Pagkakain ni Ralph ay agad na itong pumunta sa bahay ng kanyang magulang.

My Lover, My MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon