Chapter 05

1K 23 0
                                    


Author's Note: hello/hi! Enjoy my book okay? Feel free to suggest anything


Don't forget to vote, like, share and comment :)





















Kasalukuyan na akong nagiimpake ng mga gamit ko. Ngayon kasi ang araw ng lipat ko

Nakabili kasi ng condo malapit sa la salle ang daddy nila prince at ricci kaya pinapalipat ako doon as soon as possible

Kahit ayaw at masama sa loob ko ang lumipat ng tirahan ay heto ako mapipilitan

First time ko pa naman titira sa ibang bahay. Kahit kasi nag college na ako, hindi ako pinagdorm ni daddy, mas safe daw kasi kung hatid-sundo na lang ako ng driver namin

Tapos ngayon tignan mo, pinapatira nila ako sa bahay ng ibang tao, partida mga lalaki pa makakasama ko. What a nice plot twist

"Bella. Kelangan mo ba ng tulong?" Sigaw ni yaya sa labas ng kwarto ko

"No. Thank you na lang ya, kaya ko na naman. Penge na lang siguro meryenda gutom na ako eh" sabi ko

Nakakapagod naman kasi magimpake ng gamit nakakagutom

Maya maya pa at naririnig ko ng kumakatok si yaya sa pinto, kaya naman ay agad ko siyang pinagbuksan

May dala-dala siyang tray na may lamang pagkain. White spaghetti ata ito at isang baso ng apple juice

"Oh. Eto na pagkain mo. Magbreak ka muna at kumain" sabi ni yaya

"Yehay! Thanks ya! You're the best talaga!" Sabi ko habang nagsisimula ng kumain

"I-enjoy mo na yan dahil walang ganyan sa lilipatan mo" sabi ni yaya

Tignan mo ito, nagdadrama pa ata si yaya

"Ugh. For sure mamimiss ko ito. Mukang ako na lang magisa ang magluluto para sa sarili ko eh" aniya ko

Mukang iiyak pa ata si yaya, kaya iniba ko na Lang ang mood niya at pinasaya siya

"Wag ka magalala yaya, babalik naman ako eh. Dadalaw at dadalaw naman ako. Wag ka ng malungkot" sabi ko habang niyayakap siya

"Mamimiss lang talaga kita bella. Magiingat ka dun ah at wag mo papabayaan ang sarili mo at Kumain ka  lagi sa tamang oras" sabi ni niya habang nagpupunas ng sipon at luha

//

Halos buong maghapon din ako nagimpake. Pagdating ng mga 4:30 finally, natapos ko na rin.

Isa isa ng isinakay sa kotse nung family driver namin yung mga box na pinaglagyan ng gamit at maleta ko

Bago ko isara ng tuluyan ang pinto ng kwarto ko ay tumingin muna ako dito. One last look before i close it forever.

How sad naman. Kala ko pa naman ay lilisanin ko itong kwarto na ito kapag graduate na ko at magpapakasal na

Pero mukang pagpapakasal lang muna ang magagawa ko hindi pa ang pag graduate :(

Nang natitigan ko na ng matagal tagal yung kwarto ko ay dahan dahan ko na itong sinara at bumaba na ng hagdan

Doon ay natanaw kong nakaabang sila mommy and daddy pati na rin si yaya

Engaged To The King Archer | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon