Chapter 10

930 27 5
                                    


Author's Note: sowy short chapter lang yung last chapter ko :( pero anyways sana naeenjoy niyo naman itong story ko :)

Don't forget to vote, comment and share


























Ricci's Pov

"Huli ka!!" Narinig ko na sabi galing sa likod ko kaya napalingon ako

Nakita ko si bella na may hawak na pepper spray—at nakatapat ito sa mukha ko

"Huh. Ahhhh!!" Hindi ko napigilang mapasigaw. Nagulat rin kasi ako

"Bella anong ginagawa mo?" Dadali dali kong tinanong ng mapansin ko na nakatowel lang pala siya

Bagong ligo siguro ito kasi medyo basa pa rin yung buhok niya

Natigilan din ata yung mga green archers na kasama ko ngayon dito.

Kakagaling lang kasi namin sa isang meeting at nagdecide na kami na dito na lang magdinner. Buti na nga lang at nagluto ata si bella—Speaking of bella

Ay shit! Nakatowel nga lang pala siya at puro LALAKI dito ngayon sa bahay. Fuck.

Dapat may gawin ako hindi pwedeng nakikita nila ang privacy ni bella

Lalapit na sana ako kay bella ng biglang nagsalita si kuya prince

"... Boys! Pikit! Now!" Sabi nito na agad namang sinunod ng green archers

Naunahan na ako ni kuya. Nakita ko na lang na tinutulak na nito si bella palayo

Once they are out of our sight agad nagsalita ang mga loko a.k.a green archers

"Grabe pre! Nakita mo yun. Hindi ko ineexpect yun" sabi nung isa

"Ang ganda pala ng katawan ni bella cci. May boyfriend na ba yan?" Tanong naman nung isa

"Oo nga. Maganda na, mukha pang maganda katawan. Pakilala mo naman ako ohh liligawan ko lang" dagdag pa ng isa

"Magsitahimikan nga kayo. Respeto naman ohh napahiya na nga yung tao eh. At isa pa umayos nga kayo ang babastos niyo eh. Kumain na lang kayo dyan" sabi ko

Nakakainis. Bakit pa kasi nila nakita yun, kung alam ko lang edi sana hindi ko na pinatuloy dito ang green archers.

Malay ko ba kasi na naglalakad palang nakatowel yang si bella

Ano kaya nangyari sa babaeng yun

Busy ako sa pagiisip kung ano pwedeng dahilan kung bakit lumabas ng nakatowel si bella ng lumapit sakin si brent

"Ang ganda ni bella ano? Plus sexy rin pala" sabi nito

"So ano crush mo na? Paano ako?" Joke ko. Ganito talaga kami magbiruan ni brent kala mo magjowa kami

"Utot mo magisa ka.. Uhm parang oo eh. Tumitibok ata puso ko, shit" sabi niya

Hala ka dyan. Hindi pwede. Kung alam mo lang kung anong relasyon namin ni bella

"Ano ba yan brent nakita mo lang nakatowel tumibok na agad yang puso mo ang bastos mo" natatawa kong sagot

"Hindi nga pre kanina pa lang sa agno tinititigan ko na siya eh tapos ngayon nakita ko pang nakatowel siya so plus points na rin yun" explain niya

Engaged To The King Archer | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon