Author's note: 1:56 am na pero nagsuslat pa rin ako :( pero kaya yan! Tiwala lang hahaha
P.s ito na ata ang longest chapter ko so far hihi enjoy!Don't forget to Vote. Comment. Share
I still can't believe napasama ako dito sa lakad na ito. Bakit pa kasi kelangan one boy at one girl eh edi sana si kuya prince na lang ang kasama at hindi ako
Hindi naman sa ayokong sundin sila tito paolo and tita abi, ayoko lang talaga kasama si ricci—ng magisa
Pwede naman si kuya prince na lang, kasi kahit papaano comfortable na ako sa kanya. Ugh!
Kasalukuyan ko ng inilalagay sa maleta ko yung mga gamit at damit na kakailanganin ko para sa unwanted trip na ito
Two days and one night lang naman ito dahil by sunday afternoon babalik na rin kami dito sa manila
Kahit alam kong saglit lang kami duon, nag make sure pa rin ako na mag dala ng extra na gamit dahil you never know kelan mo kaylanganin ito
Nang masiguro ko ng nakalagay na lahat sa maleta ko, naligo na ako at nagbihis
Simple lang ang sinuot kong damit dahil tagaytay lang naman ang pupuntahan namin at for sure malamig duon kaya nagsweater nalang akong color orange at ripped jeans then toms na color black for the shoes
Lumabas na ako ng kwarto at pumunta sa salas kung saan nakita ko si ricci nakaupo sa sofa nagcecellphone
"Okay na ako.." mahina kong sabi
Hindi niya inalisan ng tingin ang cellphone niya ng sumagot siya ng "okay"
Naunang tumayo si ricci at lumabas ng pinto kasunod ako na hila-hila ang maliit kong maleta
Simple lang din ang pananamit ni ricci naka plain black shirt lang siya at naka shorts, na kala mo ba hindi malamig sa tagaytay then naka black old school vans lang siya for the shoes
Unlike me na maleta ang bitbit, siya isang malaking sports bag lang ang dala-dala.
Siguro kasya na sa bag na yun ang lahat ng kailangan niya—oo nga pala, mga lalaki nga pala, hindi maabubut sa gamit
Tahimik at wala ng tao sa condo ng bumaba kami. Tanging si kuya guard na lang na pang night shift ang nakikita namin. Binati kami neto kaya naman binati din namin ito
Saktong 12:00 am ng umalis na kami sa condo. Wala ng masyadong kotse sa kalye ngayon kaya smooth lang ang biyahe namin
Nakatingin ako sa bintana ng buksan ni ricci ang radio. Puro old love songs na ang pinapatugtug dito
After half an hour malayo layo na rin ang nabibiyahe namin ng dalawin ako ng antok, nung una pinipigilan ko pa ito pero ng hindi ko rin napigilan, unti unti ng pumipikit ang mata ko hanggang sa tuluyan na itong sumara
BINABASA MO ANG
Engaged To The King Archer | Ricci Rivero
Fanfictionma·jes·tic /məˈjestik/- adjective having or showing impressive beauty or dignity. "Bella, sweetie, come here we have some important things to discuss with you" my mother said while knocking on my door Medyo nagtataka akong lumabas ng kwarto ko at pu...