Author's Note: hello guys! Grabe nagkapimple ako :( dahil sa puyat nakakainis but anyways muntik na ako ma-mental block sa last part ng last chapter lolDon't forget to vote, like, comment and share
I cannot believe this. Kala ko pa naman hindi ko magiging classmate ang rivero brothers dahil okay na sana ako sa maging schoolmate sila pero pati ba naman maging classmate. Ugh!
Hindi ako makakapagconcentrate kung classmate ko ang isa sa rivero brothers lalo na yang ricci pa na yan. Jusme po
Mapapalagpas ko na sana kung kahit yung prince na lang eh bakit yung ricci pa. Bakit!?
Ang sama kaya niyan. Mayabang at matapobre pa. Ugh
Kakauwi ko lang galing ng school. Wala yung dalawang unggoy dahil may pupuntahan pa daw sila. Ibinaba lang nila ako dito sa condo kanina
Solong solo ko yung buong bahay kaya naman sinimulan ko ng maglinis.
Pagkatapos ay namili na rin ako ng grocery para naman bukas may pagkain na kami.
Isa isa kong inilagay sa cabinet yung mga cannedgoods na nabili ko habang sa freezer naman yung mga meat.
Napadaan din ako sa palengke kaya namili na ako ng gulay at isda
Nang maayos na ang lahat nagluto naman ako ng pang dinner namin
Adobong manok at baboy :)
Inilapag ko ito sa lamesa dahil maliligo muna ako
Medyo natagalan ako sa pagligo dahil nagbabad ako ng gamot sa buhok
After a while lumabas na rin ako at nagbihis
Kaso hindi pa man ako completely nakakapagbihis ng may marinig ako na kaluskus mula sa labas ng kwarto ko
Nagmamadali kong itinakip agad yung towel sa buong katawan ko
Syempre ang instinct mo ay silipin kung ano ito. At dahil shunga ang ate mo sinilip ko nga kung ano ito
Dahan dahan kong binuksan yung pinto ng kwarto ko. Trying so damn hard not to make a sound.
Nagti-tip toe lang ako from my room to kung saan nangmumula ang ingay
Kung ano ano na ang napasok sa isipan ko habang nilalakbay ko ang hallway namin
Ang dala ko lang na pangproteksyon sa sarili ko ay ang maliit kong pepper spray :(
Yung left hand ko ay nakahawak sa may towel ko sa dibdib while the other hand naman ay hawak ang pepper spray
Palapit na ako ng palapit sa pinagmumulan ng ingay. Nakaready na ako sa kung ano man ang mangyari.
At kung ano man mangyari sakin ay bahala na si batman. Goodbye world. Chos.
Okay bella alam mo na ang gagawin mo. Pagharap na pagharap ng magnanakaw pindutin mo agad yang pepper spray mo okay!
First step.. Second step.. Almost there.. Third step.. Hindi ko gaano makita yung mukha ng magnanakaw dahil nakatalikod ito ng—
"Huli ka!!" Pasigaw kong sabi
"Huh? Ahhhh!!!" Sabi nito habang pa-harap sakin
Nilapit ko yung pepper spray sa mukha ng magnanakaw. Ready na para pindutin ito ng makilala ko yung boses
"Ricci?!" Tanong ko habang hinahawakan niya ang braso ko
Napatingin ako sa buong kitchen namin at nakita kong nandito pala ang buong team ng green archers na nakita ko kanina sa agno
Bakit hindi ko sila napansin kanina?
"Bella! Anong ginagawa mo?" Sabi nito
Sasagot na sana ako ng mapansin kong dahan dahan bumababa yung tingin niya sakin. From my eyes to my—body?
Ay shit! Nakatapis nga lang pala ako. Shit. Shit. Shit.
Kaya pala halos lahat ng taong nandito sa kusina nakatingin lang sakin at hindi nakibo. Jusme naman! Nakakahiya
"Guys what's happening? Ano yung narinig ko kanin—bella?! What are you doin—oh god.. Boys! Pikit! Now!" Natatarantang sabi ni prince habang lumapit sakin para takpan ako
Agad naman pumikit yung iba sa green archers while the others ay iniba na lang ang tingin para lang hindi ako makita
Dahan dahan akong tinulak ni prince pabalik sa hallway
Nang nasa tapat na kami ng kwarto ko tsaka lang siya nagsalita
"Ano bang nangyayari sayo at nasa kusina ka ng nakatowel lang?" Tanong nito
As of this moment feeling ko kuya ko na rin si prince dahil feel na feel ko ang pagiging kuya niya sa pagiging overprotective niya
"Uhm.. Ano kasi eh.. Long story.. Kala ko kasi kanina may magnanakaw kaya lumabas ako ng kwarto ko para i-check ito kaso nakalimutan kong bagong ligo nga pala ako kaya ayun.. Naka towel lang ako hehe" nahihiya kong explain
"Jusme bella pano kung may magnanakaw nga talaga at wala kami. Edi patay ka na" nagaalala/nagagalit niyang sabi
"Sorry" nakatungo kong sabi
Narinig ko siyang nagbuntong hininga. Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin.
"Okay lang yan. Next time wag mo ng uulitin ha. Wag kang basta basta lalabas ng kwarto mo kapag may narinig kang ingay lalo na kapag wala kami. At sa susunod na maulit ito tumawag ka agad samin ni ricci"
BINABASA MO ANG
Engaged To The King Archer | Ricci Rivero
Fanficma·jes·tic /məˈjestik/- adjective having or showing impressive beauty or dignity. "Bella, sweetie, come here we have some important things to discuss with you" my mother said while knocking on my door Medyo nagtataka akong lumabas ng kwarto ko at pu...