Chapter 06

885 22 2
                                    


Author's Note: woah grabe napahaba ata yung last chapter ah lol anyways enjoy this chapter and feel free to suggest anything :)

Don't forget to vote, like, comment and share




















Prince P.o.v

Pauwi pa lang kami ni ricci galing sa isang gimik. Nagyaya kasi ang isa sa tropa. Hindi naman ako makatangi kasi naka-oo na si ricci

*throwback*

"Bakit ka pumayag? diba ngayon ang dating ni bella, sino magaasikaso sa kanya?" Tanong ko kay ricci

"Hayaan mo nga siya. Kaya na niya ang sarili niya plus hindi naman natin kasalanan na dito siya titira ano" bitter na sabi ni ricci

Tignan mo ito napakasama. First day na first day dito nung tao hindi manlang namin aasikasuhin. Ang bastos naman nun

Kaso nakaoo na kami eh. Hindi na pwede magback-out. Ugh!

Ay wait alam ko na.. Iiwan ko na lang yung susi sa receptionist

*end of throwback*

Pagdating namin ay agad akong nagpark sa parking space ko na nakareserve lang para sa'akin

Nagmamadali kasi ako baka ano na nangyari kay bella. Nakakahiya naman sa kanya at sa parents niya

Pagpasok ko ng lobby agad napatingin sa'kin yung receptionist at ngumiti siya. Ibigsabihin ay nandito na si bella

"Bilisan mo nga maglakad bro. Baka kanina pa naghihintay si bella sa taas. Kawawa naman" nagaalala kong sabi

Inirapan lang ako ni ricci bilang response niya sa'kin. Tignan mo tong loko na ito dapat nga siya ang mas natataranta eh siya yung ipapakasal dito hindi naman ako

Nang makarating na kami sa 9th floor ay agad akong dumiretsyo sa room 143 para buksan ang pinto gamit ang susi ko. Nasa likod ko lang si ricci

Dahan dahan kong binuksan yung pinto. Nakita kong naka bukas yung t.v sa sala kaya isip ko baka nandun siya

May napansin akong kakaiba sa condo namin. Parang may mali... Ah! Alam ko na. Ang linis at ligpit.. Naglinis si bella?

Lumapit ako sa sala at doon ko nakitang natutulog siya sa sofa.

Nakatulog siguro siya sa sobrang pagod at dito na inabot ng tulog. Kawawa naman

Ilang sandali pa ay lumapit na rin si ricci para silipin si bella sa sala

"Buhatin mo at dalhin mo sa kwarto niya. Kawawa naman dito na nakatulog" utos ko kay ricci

Nanlaki ang mga mata ni ricci sa sinabi ko at napakunot ito ng nuo

"Bakit ako? Ikaw na lang" aniya nito

Tignan mo ito utos ko, gawa ko? Ayos naman boi

"Ikaw na! Ikaw ang ikakasal eh hindi naman ako. Ayaw mo yun na bridalcarry mo na siya" asar ko

"Inis naman oh" narinig kong bulong niya

Wala siyang nagawa kundi kargahin si bella at dalhin sa kwarto nito

To be honest nakakatuwang tignan si ricci habang binubuhat si bella. Ang cute lol. Kaya pasimple kong nilabas ang phone ko at pinicturan silang dalawa

Sinave ko muna ito sa camera roll ko. No need to post it now maybe next time kapag okay na ang lahat

After ilang minuto ay nagshower na rin ako at natulog na. Sobrang napagod din kasi ako kanina plus nakainom din kami ng unti kaya siguro antok na antok na rin ako

Ano kaya mangyayari bukas lalo na't nandito na si bella.

Engaged To The King Archer | Ricci RiveroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon