2. Loving From Afar

8.4K 207 15
                                    


2

“'Dre, ano ba’ng nangyayari sa 'yo? Bakit mukhang sa 'yo naipasa ang trilyon-trilyong utang ng Pilipinas? Ngayon lang kita nakitang ganyan kaproblemado, ah. Bakit ba?”

Sinulyapan lang ni Binny si Gani. Tumayo siya mula sa pagkakasandal sa poste ng basketball court. “Samahan mo 'ko sa gym, 'dre.”

Sakay ng bagong Vios niya ay nagtuloy sila sa paborito nilang gym.

“Hindi mo na ako sinagot,” untag ni Gani habang sakay ng kotse. “Ano ba talaga ang problema mo?”

Napabuga siya ng hangin sa pagsisikap na kahit paano mabawasan ang bigat sa kanyang dibdib. “Alam mo ba kanina, sobrang excited ako nang sunduin ko si Fatima sa kanila. Siyempre, kung may isang tao man na gusto kong unang isakay dito sa kotse ko, siya 'yon.

“Excited din siya kanina. 'Yon pala, dahil lang ikukuwento niya sa akin na sinagot na niya ang Remulde na 'yon. Imagine, 'dre, kung gaano kasakit sa akin na malaman 'yon?”

“Ikaw naman kasi,” naiiling na sabi nito. “Kung ipinagtapat mo na sa kanya noon pang umpisa na gusto mo siya, di sana ngayon ikaw ang nasa lugar ng propesor na 'yon.”

“Paano ko naman gagawin 'yon? Kaibigan lang ang tingin sa akin ni Fatima."

“Dahil nga hindi ka naman nanligaw sa kanya. Hindi ka man lang nagbigay ng hint na higit pa sa friendship ang gusto mong mangyari sa inyong dalawa.”

“Alam ko naman kasi na noon pa man, parang kapatid lang ang tingin niya sa 'kin. Natakot ako na baka lalo siya mawala kapag, alam mo na... malaman niya na may feelings ako sa kanya.”

“Eh, gaya nga niyan, may boyfriend na uli siya. Paano ka na? Ano’ng gagawin mo ngayon?”

“'Dre, bago pa lang silang magkakilala ni Mr. Remulde, alam ko nang mahal siya ni Fatima. At ngayong may relasyon na sila, wala akong intensiyon na sirain iyon.”

“Magpapakamartir ka?” nandidilat ang mga mata na sabi ni Gani.

“I won’t do anything that will hurt our friendship.”

“Sasabihin mo lang naman kay Fatima ang totoo, ano’ng makakasakit do’n? 'Dre, kaya tayo nasa university na pinapasukan natin ngayon, freedom ang sini-symbolize ng hubad na rebulto ni FPJ, Senior. Otherwise, sa itinatakbo ng utak mo ngayon, dapat pala nag-JRU ka na lang. Doon ka bagay. Pareho kayong martir ni Rizal.”

Hindi na lang pinatulan ni Binny ang pang-iinis ni Gani. “Ngayon ko pa ba naman ipagtatapat sa kanya ang feelings ko kung kelan mahal na mahal na niya ang Remulde na 'yon? Hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko magagawang guluhin ang isip ni Fatima.”

Nakarating na sila sa gym ay iyon pa rin ang topic nila.

“Paano ka na ngayon?” anito. “Tatanghod ka na lang ba sa isang tabi habang nilalawayan ng ibang aso ang buto na para sana sa iyo?”

Sinulyapan niya nang masama ito. “Hindi ko gusto ang tabas ng dila mo, ha.”

“I know, reality bites but no offense meant, 'dre. Sa panahon ngayon, kapag nakita ng lalaki kung gaano kalaki ang pagmamahal sa kanya ng isang babae, matutukso siya na samantalahin 'yon. Alam mo na ang ibig kong sabihin.”

“I know, but not Fatima. Hindi siya gano’n.”

“Sana nga, 'Dre. Sana nga.”

Umaasa rin siya na sana nga ay hindi samantalahin ni Sean Remulde ang vulnerability ni Fatima. Ngunit hindi maalis ang takot sa dibdib niya para sa babaeng lihim na mahal.

Braveheart Series 2 Benicarlo Ocampo (Relentless Lover) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon