6
Ang unang pumasok sa isip ni Fatima ay lumayo sa pinagkukublihan. Hindi na siya magpapamalay kina Binny at Gani ngunit tila may sariling isip ang kanyang mga paa.
Ilang saglit pa at kaharap na niya ang dalawa. Nahindik ang mga ito nang makita siya, parang mga dagang nasukol sa pinaglulunggaan.
“Narinig ko ang usapan n’yo,” pangunguna niya sa dalawa.
Hindi niya alam kung ano ang nakalarawang ekspresyon sa mukha niya. Nalilito rin siya sa rebelasyon na narinig sa bibig ni Binny.
Minsan na niyang napansin ang tila pagpaparamdam nito sa kanya. Ipinagwalang-bahala lamang niya iyon noon. Ipinagpalagay niya na napag-trip-an lamang siyang biruin ni Binny.
Totoo pala rito ang pagpaparamdam.
Buo ang tiwala niya na purong pagkakaibigan ang namamagitan sa kanila. She felt betrayed. Pinaniwala siya nito sa isang kasinungalingan. Naguguluhan siya kung kamumuhian o kaaawaan si Binny.
Si Gani ang unang nakabawi sa dalawa. “Eh, mabuti siguro, mag-usap kayong dalawa. Maiwan ko muna kayo.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito.
Ilang saglit na walang makaimik sa kanila ni Binny nang sila na lamang doon. Nakatingin siya rito. Bahagya namang nakayuko ang binata.
“K-kailan mo na-realize...?” pangunguna niya, pilit ang sarili na makawala sa bikig na nakasakmal sa kanyang lalamunan. Kailangan niyang masabi kay Binny ang tanong na unang dumaan sa isip niya.
Saka lamang ito nag-angat ng tingin. Pure anguish was written on his face. “The first time I saw you...”
Bahagyang nabawasan ang galit niya. Mas naaawa na siya rito. Lampas tatlong taon na naitago ni Binny sa kanya ang lihim na damdamin. Paano nito nakaya ang ganoon?
Sa pagkakataong iyon ay biglang dumaan sa isip niya ang sulat na nabasa mula sa wallet nito. Kung gayon, ang sulat na iyon ay ang mismong eroplanong papel na naging dahilan ng una nilang pagkikita. “Ang sulat... Para sa akin ang sulat?”
“Nabasa mo?”
“Hindi ko sinasadyang mabasa. Inayos ko ang nakausling papel sa wallet mo no’ng magpunta tayo sa Matabungkay. And I got curious. Hindi man lang ako nagduda. I thought na para iyon sa babaeng sinabi mo sa akin noon na liligawan mo pagka-graduate mo.”
Hindi umimik si Binny. Nagbaling lang ito ng tingin.
“Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na ako pala ang babaeng 'yon? Maiintindihan naman siguro kita.”
“At para ano? Para nilayuan mo na sana ako noon pa? Hindi ko kaya 'yon, Fatima. Kaya nga nagtiis akong maging kaibigan mo lang. That way, hindi ka mawawala sa akin. Hindi ka lalayo. Nakikita at nakakausap pa rin kita kahit... kahit iba ang minahal at minamahal mo.”
“Kaysa naman ganito. Matagal mo akong pinapaniwala sa isang kasinungalingan.”
“Naglihim lang ako. Hindi ako nagsinungaling sa iyo. I care about you as my friend. Isinantabi ko ang totoong damdamin ko dahil friendship lang ang alam kong kaya mong ibigay sa akin.”
Hindi siya nakaimik. Nasasaktan siya para dito. Nasasaktan din siya sa paglilihim nito.
“Pero... ngayong ikakasal ka na kay Jericho, nahihirapan akong tanggapin na tuluyan ka nang mapupunta sa iba.”
“Binny, you are a great guy. I care about you, too. Alam mo 'yon. Importante ka sa akin. At kung mauutusan lang ang puso, ikaw ang pipiliin kong mahalin. Sa iyo ako magpapakasal. Pero hindi ko kayang suklian ang uri ng pagmamahal na gusto mong ibigay ko sa iyo.”
BINABASA MO ANG
Braveheart Series 2 Benicarlo Ocampo (Relentless Lover) COMPLETED
RomancePhr Book Imprint Published in 2005