7. A Chance To Be Loved

7.5K 185 20
                                    

7

Nakakubli si Binny sa makakapal na dahon ng palm tree. Mula sa siwang niyon ay nakikita niya si Fatima, dressed in all her finery. Napakaganda talaga nito. Kita ang maganda at maamong mga mata ni Fatima dahil walang belo ang wedding gown nito. Nakaipon sa tuktok ang makintab at alon-along buhok nito ngunit ang dulo ay nakaladlad lamang sa hubad na likod at balikat.

She was stunning in her cream-colored gown. She was a perfect picture of his dream bride. Sayang at hindi siya ang groom nito.

Kaibigan. Hanggang ganoon na lang talaga sila ni Fatima. Gusto niyang sisihin ang sarili kung bakit hindi niya pinigilan noon pa man ang nararamdaman niya para sa dalaga.

Oh, God... Bakit kailangan kong matutunang mahalin si Fatima nang ganito, kung hindi naman pala magkakaroon ng chance ang pagmamahal ko?

Nagsimula nang magmartsa ang entourage. Parang nakalutang si Fatima habang marahang naglalakad ito. She glided her way through the aisle with grace and beauty. Ang larawang iyon nito ang babalik-balikan niya sa alaala.

He started to walk away. Hindi niya kayang makita ang babaeng pinakamamahal niya habang pinagtitibay ng pari ang pakikipag-isang-dibdib nito na hindi sa kanya kundi sa ibang lalaki. She would be Jericho’s, legally bound till death do they part.

At siya, mananatili na lamang siyang nag-iisa.

“BAKIT?” nalilito pa ring tanong ni Fatima kay Jericho. Makakaladkad siya nito kung hindi siya aagapay sa bilis ng paglakad ni Jericho. “Saan tayo pupunta?”

Hindi ito sumagot. Mabilis pa rin ang lakad palayo sa pinagdarausan ng kasal. Nagkakaingay na ang mga tao. Naririnig din niya ang tawag ng papa at mama niya.

Dinala si Fatima ni Jericho sa kanang bahagi ng mansiyon. May pinasukan silang arko na hitik sa dahon ng gumagapang na halaman. Natatandaan niyang bahagi pa rin iyon ng malaking hardin ng mansiyon.

Hinarap na siya ni Jericho pagdating nila sa hardin. Binitiwan na nito ang kamay niya. Namumula ang mukha ni Jericho at parang pinipigilan lamang na magtagis ang mga bagang. “It’s useless, Fatima.”

“What is?” litoung-lito pa ring tanong niya.

“I can’t marry you when all you can think of is Binny.”

“P-pero—”

“Don’t try to deny it. Lagi mo na lang siyang bukambibig. Laging ang kapakanan niya ang inaalala mo.”

“Goodness, Jeric! He is my best friend.”

“Then probably hindi mo pa nare-realize na higit pa roon ang nararamdaman mo para sa kanya. Matagal ko nang napapansin. Ipinagwalang-bahala ko lang. Dapat pala hindi. Dapat ay nakinig ako sa pagdududa ko.”

“Jeric, nagkakamali ka. Wala ako rito ngayon kung hindi ako desididong pakasal sa 'yo.”

“Alam ko. At parang sampal sa akin 'yon. Magpapakasal ka pa rin sa akin dahil pangangatawanan mo na ang desisyon mo. Kahit ang totoo, hanggang ngayon, hindi mo pa rin ako nagagawang mahalin.”

“I-it’s not true.”

“Really?” Nabahiran ng pang-uuyam ang anyo nito. “Then look straight into my eyes and tell me you have finally learned to love me. Na hindi si Binny kundi ako na ang laman ng puso mo.”

She knew defeat when she heard one. Nagawa nga niyang titigan si Jericho sa mga mata. Ngunit hindi niya masabi ang mga salitang ipinaghahamon nito sa kanya.

Napaiyak na lang siya sa pagkasukol, panghihinayang, at pagkapahiya.

She heard his indrawn breath. At pagkatapos ay laglag-balikat na tinalikuran na siya nito.

Braveheart Series 2 Benicarlo Ocampo (Relentless Lover) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon